Pasasalamat sa Buwan ng Agosto

Salamat sa Buwan ng Agosto, salamat sa pagpapadama ng aking kahalagahan sa iba ....

Nakauwi ako ng Sabado (Agosto 18) ng umaga at nakarating ako sa Lopez ng hapon mga ala-una, sa bahay muna ako nag stay (Danlagan Highway) upang makita ko ang aking Ina, Kapatid at mga pamangkin, para maiabot ko din ang aking munting pasalubong para sa kanila.

Agad kaming nag plano para sa kinabukasan, para sa munting salo-salo at handog para sa may kaarawan sa buwan ng Agosto para sa ilang myembro ng aming pamilya tulad ni Tatay, Hannah. Feonnah, Arjay at Maricel.

Agosto 19, 2018, Araw ng Paggunita sa Kaarawan ng dating Pangulo Manuel Luis Quezon, ang Ama ng wikang pambansa., habang abala ang aking mga pamangkin sa pakikilahok sa taunang programa at pagsama sa  tradisyunal na parada, kaming mga naiwan sa bahay ay abala para ihanda ang munting salo-salo na aking handog para sa kanila.

Mga paboritong pagkaing pambata, ulam, mga palaro, agawan, kantahan, sayawan ang aking inihanda para makabigay ng munting kasiyahan para sa kanila.

Madaming dumating na mga bata bukod sa aking mga pamangkin at kamag anak may mga dumating ding ilang mga kaibigan ng aking magulang at kapatid.

Wala akong paglagyan ng saya, hindi ko alintana ang gastos sa murang halaga nakapagbigay ako ng kasiyahan, kasiyahan na nais kong ibigay at iparanas sa kanila habang sila ay mga bata pa, dahil di ko naranasan lahat ng iyon noong ako ay bata pa, wala akong matandaan sa aking buhay na pinaghanda ako o pinagdiwang nila ang aking kaarawan, pero wala akong lungkot o galit sa kanila, sapagkat nauunawaan ko naman ang aming kalagayan.

Kahit malungkot na hindi dumating ang aking Ama na syang dahilan kung bakit ako naghanda at umuwi okey pa rin sa akin, mahalaga naiparating ko ang pasasalamat at pagmamahal.

Di ko kc alam kung hanggang kailan ako mabubuhay sa mundo kaya sa maliit na pamamaraan ko nais kong makapagbigay ng ala-ala sa kanila na sa buong buhay ko dito sa mundo ay minahal ko sila at pinahalagahan, hindi man nila maramdaraman o di man sapat ang nagawa ko para sa kanila, marahil hanggang doon na lang talaga ang kaya ko, kinakaya ko naman lahat para sa kanila.


itutuloy....



July 2018

Mga kaganapan sa Buwan ng Hulyo 2018

July 20, 21 and 22, 2018 - Bumalik ako sa Lopez, Quezon kasama ang aming bunsong kapatid na si Arkey para ipagdiwang ang kaarawan ng aking kapamilya sa Buwan ng Hulyo 2018 ito ay sina Lolo Apay na 84 Taong Gulang, si Manoy Ayan, Arkey at si Lucky.

Ginanap ang nasabing pagdiriwang sa Blue Dragon Resort sa Bayan ng Guinayangan, Quezon kasama ang buong Pamilya at mga kaibigan nagkasya naman kami sa 2 jeep.

Dito nagkaroon kami ng pagkakataong muling ipadama ang pagmamahal at pasasalamat sa kanila sa munting kasiyahan at salo salo.


Ang aking munting handog kay Lolo Apay.


ang mga anak ni Apay na dumating mula sa kaliwa, Tiyo Eddie, Nanay Minda, Apay, Tiya Nora, Tiya Delia at ang kanyang asawa. 


ang Pamilya ni Tiyo Eddie kasama ang kanyang solong anak na si Lira mula Indang, Cavite 

Ang pamilya ni Tiya Delia Baylon mula sa Lungsod ng San Pablo 



ang pamilya ni Tiya Nora kasama ang mga apo at anak na sina Dabog at JR. 

Ang pamilya ni Nanay Minda kasama ang kanyang mga apo at anak na sina ate Marie, Botog, Arkey at Maricel asawa ni Manoy Dondon



ang pamilya ng punong abala sa ika-84 kaarawan ni Lolo (ako po un)

Ang panganay na anak ni Apay Nanay Minda 


Kasama sa larawan ang mga kaibigan ni Tiya Delia mula sa San Pablo City


MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...