MENSAHE
HARREL
M. PAYCANA
Panauhing Pandangal at
Tagapagsalita
52nd Commencement Exercises, Vegaflor Elementary School
Vergaflor Lopez, Quezon
March 25, 2015
Isang Pagbati at Pagpupugay sa lahat
ng Magsisipagtapos sa Mababang Paaralan ng Vegaflor Batch 2014-2015. Narating
at naipasa ninyo ang unang hakbang ng Pagsusulit bilang isang Mag-aaral, Matatangap
ninyo ang isang Diploma na sumisimbolo ng karunungan, tagumpay at pangarap ng
inyong mga Guro at magulang na nagsikap , nagbigay ng pagmamahal, gabay at
suporta sa inyong pag-aaral. Sa pagkakatong ito wala nang atrasan patungo sa panibagong
pagsusulit, ang pag hakbang sa panibagong yugto ng pag-aaral sa Mataas na
Paaralan at dito muli ninyong ipapakita ang Sipag, Tiyaga, Disiplina at Determinasyon
upang makamit ang isang Pangarap , pangarap para sa iyong sarili, magulang at
pamilya lalo’t higgit sa ating Inang Bayan.
Kaagapay ang tema ngayong taon “
Saktong buhay : Sa Dekalidad na Edukasyon, Pinanday!”. Mula noon hanggang sa
makabagong panahon ang armas natin ay ang EDUKASYON, ito ang magiging susi at tanglaw upang mapagtagumpayan
natin ang hamon ng buhay. Kasabay nito ang pag-gamit ng ating mga karanasan na
magsisilbing inspirasyon natin upang huwag tumigil mangarap at magsikap.
Ito ang tamang panahon upang
isipin kung ano ang kaya nating i-ambag sa mundo at sa lipunan, kung saan kayo
ang magiging instrumento ng pagbabago
tungo sa Maganda’t masayang buhay sa mas maunlad na kinabukasan. Kayo ang
Bagong Henerasyon sa Makabagong Pag-unlad, na mag-aangat ng ating Paaralan at Bayan
gamit ang ating husay at galing sa pinili nating larangan.
Laging magpasalamat sa ating Panginoon,
at sa mga taong naging dahilan ng ating tagumpay at kabiguan gawin natin silang
inspirasyon at sandigan upang tahakin at tuklasin ang mas magandang bukas sa
hinaharap.
Muli, maraming salamat sa
pagbibigay ng pagkakataong maging bahagi ninyo sa araw ng inyong Pagtatapos at
maging saksi upang masilayan ang inyong ngiti sa pagkamit tagumpay.
Congratulations Graduates!
Napakaganda ng inyong talumpati sana ay maging maganda rin ang aking talumpati balang araw
ReplyDeletesalamat basta kung anong nasa puso ....
DeleteSALAMAT kapatid .... God Bless!
ReplyDeleteala nakakainspire po kayo dahil na experience nyo na pong manalumpati
ReplyDeletehuggggss
Delete