Father's Day 2019

Paano ko ba mapapasalamatan ang aking butihing ama. Ang ama ng pitong anak, masasabi ko na hindi kami ganun ka close ni tatay siguro dahil sa naranasan kong disiplina sa kanya noong bata pa kami, subalit ang disiplinang iyon nag naging instrumento upang maging matapang ako at maging matatag sa buhay. Hindi ko man personal na nabibigkas sa kanya ang salitang "mahal kita tatay" ito ay akin na lamang ipinapadama sa kanya bilang mabuting tao at mabuting anak. Madami akong pagkukulang bilang anak sa kanila. Ang sakripisyo ng isang ama ay sobrang katangi tangi ang magtaguyod at bumuhay ng pitong anak ay lubhang kalugod sa mata ng kapwa tao Lalot higgit sa PANGINOON Diyos.

Kasama ng aking dalawa pang kapatid na isa ring ama ang aking panalangin nawa'y maging matatag sila at maitaguyod ng maayos ang Kani kanilang mga pamilya si Manoy Dodon at Manoy Ayan, tulad ng aking ama nawa silang maging mabuting ama sa kanilang pamilya upang hindi mawala ang diwa ng pagmamahal at pagtutulongan bilang isang pamilya.

Ang aking pamilya ay salat sa yaman at material na bagay subalit sa tulong ng Amang Lumikha ay nalalampasan naman namin ang mga pang araw araw na pangangailangan ng Pamilya.

Bihira man akong makasama ng aking mga magulang, mga kapatid at mga pamangkin sila naman ay laging nasa aking isip at puso at mga panalangin at kasama ko sila sa aking paglalayag san man ako dalhin ng aking mga paa sa kanila ko pa rin inihahandog ang aking buhay na pansamantala lang sa mundong ito.

Mabuhay ang mga Ama at sa lahat ng nagtataguyod ng isang pamilya o ng tahanan.


MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...