SALAMAT SA SUPORTA!

Ako ay lubos na nagpapapasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa akin noong nakaraang Local Election May 10, 2010 upang makarating ako sa 95 barangay ng Lopez, Quezon at makadaopang palad ko ang mahigit na 45,000 registered voters.

1. D.E. RONNEL M. TAN – pinansyal at material na bagay mula December 2000 hanggang May 2010 sa pamamagitan ni Engr. Levi Amat.

2. ENGR. RODEL FLORIDO – sa mga polyetos na pinagkaloob sa pamamagitan ni Ms. Joan.

3. CONG. PROCY ALCALA- sa pinasyal na tulong mula noong December Hanggang May 2010.

4. BOARD MEMBER AT NGAYON VICEC-GOVERNOR ELECT KULIT ALCALA- sa material na bagay tulad ng posters at polyetos.

5. GOVERNOR RAFFY P. NANTES – pinasyal na suporta May 2010 sa pamamagitan ni Kuya Francis Sevilla at kuya Benjie Romero

6. KUYA BENJIE ROMERO- Sa pinansyal at materyal na bagay sa paghahanap ng sponsor para sa aking campaign materials.

7. SEN. RUFFY BIAZON – para sa mga sample ballots
8. KUA DONG – para sa binigay niyan g t-shirts na 30pcs. ang co-worker kong napakabait.
9. KGD. JUVY ARAGO – sa binigay niyang Candy.

10. TITO ACOT T. VILLEGAS – sa 30 pcs. Tarpaulin at sa 100 pcs. na candy.

11. KUYA LUIS VILLANUEVA- aking kaibigan na nasa lungsod ng lucena sa pagbibigay nia ng 5pcs. Na tarpaulin na malalaki.

12. POLICE CHIEF INSPECTOR MAJOR GIOVANNI CALIAO at sa KANYANG PAMILYA – aang aking classmate sa masteral na nagbigay ng 30pcs. na tarpaulin.

13. KUYA RUSSEL PALMARIA – nagkaloob ng 3pcs. na tarpaulin na malalaki ginamit sa plaza at display sa malalaking eskwelahan.

14. ABA PARTY LIST AT CONG. LEONARDO Q. MONTEMAYOR – sa binigay na pinasyal at material na bagay para sa aking kampanya.

15. BOKAL DORAY TAN – sa polyetos at pinansyal na tulong.

16. BOKAL MYLA LAVIDES- sa pagbibigay ng tulong mga pamaskong handog tulad ng timba, trophy request ng aking mga kababayan at sa pinasyal na tulong sa aking mga inilapit sa kanya.

17. BOKAL TOTIT RODELLAS – salamat sa polyetos at sa pinasyal na tulong sa mga kaibigan kong nangailangan ng iyong suporta.

18. BOKAL MARISSA DIESTRO – salamat sa pagpapahiram ng gun tucker, pagbibigay ng medalya para sa mga student.

19. TITA MALYN EUDELA – salamat sa mga payo at polyetos.

20. ATTY. DENNIS GUERRERO- salamat sa pinasyal na tulong na ipinabot kay kuya Cesar sarmiento at Kap. Danny Villanueva.

21. BOKAL GELO DEVANADERA- aking kaibigan na tumulong financially at morally.

22. DR. JOEL ARAGO- sa mga payo at pinasyal na tulong pangbili ng candy.

23. ENGR. TOTO AMIT – salamat sa Candy

24. KAAKBAY PARTY LIST – sa sample ballots.

25. NPC- ang partido namin noong mag file pero pinabayaan kami at iniwan di namin lama kong anong nagyari bahala na ang DIYOS.

26. LAKAS –KAMPI CMD ang partdong nag ampon sa akin kahit walang suportang ibinigay financially kaya akmi ay nag ambagan mula noong kampanya.

27. CONG. DANILO SUAREZ- salamat sa pinasya na ipinagkaloob ninyo sa mga ka-grupo ko.

28. VICE-MAYOR AYING RAZALAN- sa sasakyan na minsan akoy nakikisabit para makarating sa ilang malalayong Barangay.

29. SA MGA VOLUNTEERS – salamat sa inyong pagtulong at pagmamalasakit upang magkaroon tayo ng pakikilahok sa malinis na POLITIKA sa ating bayan….

30. SA AKING PAMILYA- salamat sa pagsuporta …..


At sa lahat-lahat hindi ko man lahat nabaggit salamat pos a mga pagsuporta…kayo po ang aking naging inspirasyon kahit po tayo ay hindi nanalo sa labang ito ako naman po ay pinakalooban ninyo ng libo-libong BOTO sapat nap o ito para ipakita ang pagmamahal ninyo sa akin at hindi kop o ito kakalimutan asahan po ninyo sa pagkalipas ng 3 taon muli akong makikisangkot sa isang MALINIS, TAPAT AT PATAS na laban para sa tunay na kinatawan at BOSES ng KABATAAN at ORDINARYONG MAMAMAYAN!..


SALAMAT PO!

MATAAS NA PAGKILALA at PAKIKIRAMAY




Ako, sampu ng aking pamilya at ng aking mga samahang pang-kabataan na kinabibilangan ay NAKIKIRAMAY sa pagpanaw ng ating minamahal na GOBERNADOR RAFAEL "Raffy" P. NANTES.....Tunay pong nakakalunkot ang kanyang pagkawala sa mundong ito sapagkat madami siyang magandang alaala sa atin na kahit kailan ay hindi malilimot ng sinuman.....isang lider, isang ama, isang PILIPINO, na naging huwaran sa ating lahat sa maraming aspeto.

kay sarap balikan na minsan bagaman ako ay nasa hanay ng isang ordinaryong lider kabataan ako ay pinagkatiwalan maging isa sa kanyang mga Surrogate Speaker sa bayan ng Lopez, Quezon noong 2007 election.....malaki din ang naging bahagi niya sa aming samahan sa YOUTH PROGRESSIVE SOCIETY - YPS na humiling kami noon ng T-shirts para maging opisyal na uniform para sa 200 naming kasapi gad niya itong ibinigay kahit walang bpormal na sulat ng kahilingan....binigyan din niya ako ng pagkakataong makilahok sa mga Pambansang Araw at Pagsasanay ng mga Kabataan sa ibat-ibang lugar dito sa Pilipinas upang maging kinatawan ng ating lalawigan.........sya rin ang naging dahilan sa pamamagitan ni kua aries flores upang makapag practicum ako sa DTI Quezon Provincial Office at makapagtapos ng aking pag-aaral......noong nakilahok ako sa brangay 2007 election hindi rin niya ako pinabayaan ....at noong nakaraang 2010 national ang local election sa laban ko upang maging KAGAWAD ng bayan ng Lopez, Quezon sa huling pagkakataon ako ay kanyang tinulungan upang kahit paano ay makusad sa aking kampanya........marami pa .....marami hindi lang sa nagawa sa aking upang maging isa akong produktibong mamamayan at isang mahusay na lider.....

WALANG HANGGANG PASASALAMAT ang aking ibinabalik at PANALANGIN na sana gabayan pa rin tayo ng isang RAFFY NANTES upang maging inspirasyon natin ang magagandang ginawa para sa ating lalawigan.....

sa panibagong yugto ng ating buhay sa kasalukuyan ..humarap tayo sa realidad magkaisa at magtulungan upang makita natin ang bawat isang parangap ng bawat isang kalalawigan at laging isinisigaw PILIPINAS!, QUEZON NAMAN.....sa mga bagong opisyal na uugit sa ating lalawigan atin silang suportahan upang makamit natin ang isang lalawigan na mapayapa, maunlad at masayang lalawigan ng quezon.......

tulad ng huling kataga sa pananalita ni GOV. RPN " ang pagkatalo at pagkapanalo sa HALALAN ay KALOOBAN ng DIYOS" tama po mga ka lalawigan ating i-respeto at ating galangin ang kagustuhan ng MAS nakakarami.....

SA IYO MAHAL naming GOBERNADOR RAFFY P. NANTES SALAMAT SA LAHAT LAHAT ng MASAYA KAMI AT NAGING BAHAGI KA NG AMING BUHAY at SALAMAT SA PANGINOON DAHIL GINAWA KA NIYA PARA MAGING INSPIRASYON NAMIN AT MAGING AMING KABABAYAN At KA-LALAWIGAN


Salamat at Paalam,

HARREL M. PAYCANA
Youth Leader
296 Brgy. Danlagan Lopez, Quezon

SALAMAT....

Salamat sa lahat ng nagmahal at nagmalasakit sa bayan....hindi man ako nanalo sa labang ito...hindi ako magsasawang bumalik pagkalipas ng 3 taon upang muling makisangkot upang marinig ang tinig ng MAS nakararaming kabataan at ordinaryong mamamayan sa sangguniang bayan..sa aking pamilya ,kamag-anak at mga kaibigan salamat sa lahat lahat hindi ninyo ako iniwan sa aking laban

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...