Karanasan sa buhay dito matapang na itatala!
MATAAS NA PAGKILALA at PAKIKIRAMAY
Ako, sampu ng aking pamilya at ng aking mga samahang pang-kabataan na kinabibilangan ay NAKIKIRAMAY sa pagpanaw ng ating minamahal na GOBERNADOR RAFAEL "Raffy" P. NANTES.....Tunay pong nakakalunkot ang kanyang pagkawala sa mundong ito sapagkat madami siyang magandang alaala sa atin na kahit kailan ay hindi malilimot ng sinuman.....isang lider, isang ama, isang PILIPINO, na naging huwaran sa ating lahat sa maraming aspeto.
kay sarap balikan na minsan bagaman ako ay nasa hanay ng isang ordinaryong lider kabataan ako ay pinagkatiwalan maging isa sa kanyang mga Surrogate Speaker sa bayan ng Lopez, Quezon noong 2007 election.....malaki din ang naging bahagi niya sa aming samahan sa YOUTH PROGRESSIVE SOCIETY - YPS na humiling kami noon ng T-shirts para maging opisyal na uniform para sa 200 naming kasapi gad niya itong ibinigay kahit walang bpormal na sulat ng kahilingan....binigyan din niya ako ng pagkakataong makilahok sa mga Pambansang Araw at Pagsasanay ng mga Kabataan sa ibat-ibang lugar dito sa Pilipinas upang maging kinatawan ng ating lalawigan.........sya rin ang naging dahilan sa pamamagitan ni kua aries flores upang makapag practicum ako sa DTI Quezon Provincial Office at makapagtapos ng aking pag-aaral......noong nakilahok ako sa brangay 2007 election hindi rin niya ako pinabayaan ....at noong nakaraang 2010 national ang local election sa laban ko upang maging KAGAWAD ng bayan ng Lopez, Quezon sa huling pagkakataon ako ay kanyang tinulungan upang kahit paano ay makusad sa aking kampanya........marami pa .....marami hindi lang sa nagawa sa aking upang maging isa akong produktibong mamamayan at isang mahusay na lider.....
WALANG HANGGANG PASASALAMAT ang aking ibinabalik at PANALANGIN na sana gabayan pa rin tayo ng isang RAFFY NANTES upang maging inspirasyon natin ang magagandang ginawa para sa ating lalawigan.....
sa panibagong yugto ng ating buhay sa kasalukuyan ..humarap tayo sa realidad magkaisa at magtulungan upang makita natin ang bawat isang parangap ng bawat isang kalalawigan at laging isinisigaw PILIPINAS!, QUEZON NAMAN.....sa mga bagong opisyal na uugit sa ating lalawigan atin silang suportahan upang makamit natin ang isang lalawigan na mapayapa, maunlad at masayang lalawigan ng quezon.......
tulad ng huling kataga sa pananalita ni GOV. RPN " ang pagkatalo at pagkapanalo sa HALALAN ay KALOOBAN ng DIYOS" tama po mga ka lalawigan ating i-respeto at ating galangin ang kagustuhan ng MAS nakakarami.....
SA IYO MAHAL naming GOBERNADOR RAFFY P. NANTES SALAMAT SA LAHAT LAHAT ng MASAYA KAMI AT NAGING BAHAGI KA NG AMING BUHAY at SALAMAT SA PANGINOON DAHIL GINAWA KA NIYA PARA MAGING INSPIRASYON NAMIN AT MAGING AMING KABABAYAN At KA-LALAWIGAN
Salamat at Paalam,
HARREL M. PAYCANA
Youth Leader
296 Brgy. Danlagan Lopez, Quezon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MARCH 2021
March 1, 2021 - Monday Morning Meeting Email Checking and Printing of Applicants Resume Face-To-Face and Phone Call interview Examinatio...
-
MENSAHE HARREL M. PAYCANA Panauhing Pandangal at Tagapagsalita 52nd Commencement Exercises, Vegaflor Elementary School Ver...
-
Polytechnic University of the Philippines MASTER IN PUBLIC ADMINISTRATION Open University System, Lopez Campus Lopez, Quezon ...
-
Handog na Tula para kina: Lanslieshai Lee Wong at Halida Dian Jarin Dian Ami KASIYAHAN SA IYONG KAARAWAN Ni: Harrel M. Paycana Dalawang...
No comments:
Post a Comment