PABATID para sa lahat at sa HIMIG KALINANGAN NG PUP

August 14, 2010

PROF. ALICIA DELOS SANTOS
Director
Polytechnic University of the Philippines
Lopez Campus
Lopez, Quezon

Thru : Prof. ROMEO OIDEM
Head, Office of the Student Affairs

Attn : PROF. DAVID SORIANO
Instructor, HIMIG KALINANGAN NG PUP


Sa kinauukulan:

Pagbati!

Bilang kinatawan at taga-pagtatag ng YOUTH PROGRESSIVE SOCIETY sangay ng PUP Lopez, Quezon amin pong ipinababatid sa lahat na ang YPS DEVELOPMENT TRAINING CENTER na nasa loob ng unibersidad partikular sa kalapit ng Tissue Culture Building ay amin pong pansamantalang nais IPA-GAMIT/IPA-HIRAM sa HIMIG KALINGAN ng PUP upang magkaroon ng tanggapan ang nasabing samahan.

Sapagkat, naniniwala ang samahan na kung ipapahiram ito sa Himig Kalinangan malaking tulong ito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga myembro na magkaroon ng maayos na tanggapan at magkaroon ng positibong pagsasagawa ng kanilang mga makabuluhang Gawain na makakatulong upang mahubog ang yamang talent ng mga kabataan at sa pagkamit ng layuning pagkaunlaran ng unibersidad.

Sa pamamagitan po nito, pinagkakalooban ng aming samahan ang kinatawan ng Himig Kalinangan na si Prof. David Soriano upang mangasiwa ng kaayusan, kalinisan at kaunlaran ng aming YPS Development Training Center.

Hanggad naming ang tagumpay ng bawat isang PUP’ians , Mabuhay!


Para sa kaunlaran ng kabataan,

YOUTH PROGRESSIVE SOCIETY


(sgd)HARREL M. PAYCANA
Founder


Cc: OSA / Property & Custodian Department / Building & Maintenance Department /PUPSSC / YPS PUP Chapter Members & Advisers

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...