AKO, kasama ng aking pamilya, kaibigan, mga kasamahan sa ibat-ibang samahang pang-kabataan sa pang lokal, lalawigan at pang-nasyonal, mga kasama sa partido ay lubos na NAKIKIDALAMHATI at NAKIKIRAMAY sa pamilya na naulila ni:
Dir. ISRAEL "Aying" Maravilla- RAZALAN
Tunay na malungkot tayong lahat na nagmamahal sa kanya, sapagkat hindi na natin sya makakapiling subalit sa panandaliang kalungkutan ito ay mababakas sa bawat isang naging bahagi ng kanyang ang kagalakan at tuwa dahil minsan sa kanyang buhay ay nakilala niya tayo bilang isang mahusay na tao at kapwa. at sa lahat ng kanyang ala-ala noong nabubuhay pa tayo kung anong ginampanan niya sa atin at sa ibang bagay na naging ambag ay ang kabutihan.
Muli kong binalikan ang isang ala-ala kung saan kami unang nagkakilala , ako bilang isang ordinaryong kabataan at isang simpleng iskolar ng bayan noon sa PUP sa aming bayan ng Lopez....
Una naming pagtatagpo ay noong ang aming samahan sa PUP partikular sa YPS ay humingi ng tulong pinansyal at materyal na bagay upang maging ganap na tagumpay ang kauna-unahan naming pagsasagawa ng GYF GIVING PROGRAM para sa ating mga kababayan at KATUTUBONG AETA sa Villa Espina walang isang salita na agad siyang tumulong........nagsimula noong palagian na syang tumutulong hindi lamang sa aming samahan bagkus sa lahat ng pangkaunlarang samahan sa aming bayan .....hanggang amin na syang kunin bilang isa sa aming community adviser.......
sa pagdating ng hamon sa kanyang buhay at sa dala ng pagkakataon ay unang sa sabak sa pulitika sa pagka-mayor ng aming bayan bagaman hindi pinalad nhindi iyon naging dahilan upang makapag lingkod sa ating mga kababayan sa lopez....
buhay na saksi tayo sa mga proyekto at programang dinala niya sa atin mula sa nasyonal....hindi pa man ay nakakatulong na maraming marami ..hindi na kailangan isa-isahin nanjan ang mga kababayan natin para magpatotoo sa kanyang nagawa noong nabubuhay pa........
sandayang malaki ang kanyang ginawang kontribusyon upang makapagbigay ng kaunlaran sa atin bayan...sa aspeto ng PANG-KALUSUGAN, EDUKASYON, ISPORT, PAGSASAKA at marami pang iba........
sa aking personal na pagkilala..ibinigay ko ang pinaka mataas na pagkilala .... hindi ko sya malilimutan maraming salamat sa lahat ng tulong......... ikaw ang kaunaunahang naging DIRECTOR ng SENADO at ng MALAKANYANG na nagbigay sa aking kakaibang pananaw sa buhay hindi man tayo pinalad na makapaglingkod sa ating mga kababayang bilang HALAL na OPISYAL.....naging isa ka namang HALIMBAWA sa lahat ng tao at mga halal ng taong bayan na MAKAPAGLINGKOD ng TAPAT.......para sa akin ikaw pa rin ang aking punong bayan at pangalawang punong bayan at ako ang iyong nag-iisang mahusay na lingkod sa sanggunian......sa dako pa roon ng ating mabuting layunin ....may bagong sisibol upang ipagpatuloy ang ating labang..........
salamat kua aying ......at paalam...
we love u :)
Karanasan sa buhay dito matapang na itatala!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MARCH 2021
March 1, 2021 - Monday Morning Meeting Email Checking and Printing of Applicants Resume Face-To-Face and Phone Call interview Examinatio...
-
MENSAHE HARREL M. PAYCANA Panauhing Pandangal at Tagapagsalita 52nd Commencement Exercises, Vegaflor Elementary School Ver...
-
Polytechnic University of the Philippines MASTER IN PUBLIC ADMINISTRATION Open University System, Lopez Campus Lopez, Quezon ...
-
Handog na Tula para kina: Lanslieshai Lee Wong at Halida Dian Jarin Dian Ami KASIYAHAN SA IYONG KAARAWAN Ni: Harrel M. Paycana Dalawang...
No comments:
Post a Comment