ANPI-TESDA Apprenticeship Program, CLOSING CEREMONY!



Isang ganap na tagumpay ang isinagawang Closing Ceremony ng Apprenticeship Program ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipagtulungan ng ARTNATURE Philippines Inc. (ANPI) noong nakaraang ika- 30 ng Hulyo 2015 sa ECOZONE Zamboanga City. 



Sa loob ng anim na buwan (6 months) ay napagtagumpayan ng isang daan at labing anim (116 Trainees) ang isang pagsasanay na tinawag na WIG MAKING Process, at pammagitan ng pagsasanay na ito nahubog ang kanilang kaalaman sa paggawa ng WIG partikular sa VENTILATION Process kung saan dito nakapaloob ang pinaka malaking oras ng pagsasanay. 


Ang nasabing pagsasanay ay mayroon 1200 hours, sa nasabing pagtatapos nagkaroon sila ng Katibayan ng Pagtatapos sa nasabing kurso. Sa anim na buwan nilang pagsasanay ay nakatanggap sila ng kaukulang Allowance at mga benepisyo na itinakda ng batas. 

Naging Panauhing Tagapagsalita sa nasabing Programa ang TESDA Acting Regional Director (Region 9) na si Hon. Macapili, na nagbigay ng inspirasyon sa mga nagsipagtapos.


Ang mga kabataang nagsipagtapos ng Pagsasanay ay Lubos na Nagpapasalamat sa Pamunuan ng ARTNATURE Philippines Inc., TESDA, ECOZONE Officials at sa mga mahuhusay na Trainers. 




No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...