Gusto ko muling isulat ang aking mga nararanasan at nararamdaman bilang isang indibidwal ng lipunan mula sa bahay, trabaho at lugar na pinupuntahan.
Papalipasin ko ang nakaraan at mula sa araw-na ito ay akin na muling matapang na itatala ang aking mga karanasan sa araw-araw na magiging sanggunian ko at lahat ng makakabasa nito.
Layunin ko sa mga panulat na aking mailalathala kung gaano ako ka-saya, ka-lungkot, makaramdan ng galit, panghihinayang, pagkabahala, at pagpapasalamat sapagkat binigyan ako ng pagkakataong maranasan iyon sa ibabaw ng lupa.
Minsan naisip ko ng dapat pala hindi ko na bura ang mga nauna kung isinulat sa Blog na ito at sana pala ituloy tuloy ko ang pagtatala dito. Subalit alam ko kung bakit nangyari iyon upang muli ay pasimulan upang malaman ko sa aking sarili kung may tapang na ba muli akong maglagay na tunay na nangyayari sa aking buhay.
Gagawin ko ang lahat ng maitala dito ang mga pangyayari Mula sa araw na ito May 6, 2016. Upang kung sino man ang makabasa nito ay maaring makapulot ng aral o gabay upang maging matapang o maayos ang kanilang buhay.
Marami na akong pinalampas sa pag-aakala kong ang lahat ay mga layunin sa aking buhay subalit ngayon nauunawaan ko na hindi pala dapat pinapalampas mo sapagkat maari din itong makasama sa hinaharap mo.
Ngayon panibagong araw! Sisimulan ko ngayon at kung ano ang aking maalala sa nakaraan ay akin pa rin babalikan at itatala sa blog na ito .
ang blog na ito ay akin at malaya kung masasabi...maisusulat lahat ay totoo walang halong pandaraya dahil ako ito sarili ko ito, at ako mismo ang nakakaalam at nakakaranas nito .
Pang-huli kayo ang humusga kung gaano ako kasama o kabuting tao sa mundo . Dahil ang bawat husga nio ay inyong sariling pag-husga ang nasa Taas pa rin ang pinaka huling huhusga sa nagawa ko dito sa lupa at ng nagawa ng kapwa ko sa sarili ko bilang isang Tao.
Salamat sa lahat ng tagumpay, saya, sakit, pagkabigo at galit na ipinaranas sa akin naging mas makabuluhan ang pagsusulat ko sa Blog na ito .... may mababanggit akong pangalan marahil bahagi sila ng buhay ko dito sa mundong ibabaw.
Simula na!
HMP, 5.6.16, 12:55pm, Sta. Rosa, Laguna
Karanasan sa buhay dito matapang na itatala!
MANDATO!
Dahil sa isang araw na Eleksyon at Halalan, nasira ang ating mabuting ugnayan dahil sa prinsipyong ating ipinaglalaban, tanggap at nauunawaan ko naman kung ang Isip at puso mo Ang iyong naging basihan subalit kung nakikiuso ka lang at walang lalim ang iyong pinag-basehan hindi tama yan kc isa ka sa dahilan ng Pagtangis ng Inang bayan ....
Lahat naman ng ito ay para sa bawat isang kapwa natin Pilipino at Pilipinas, subalit isipin natin Na hindi basta-basta o gagawing biro o katuwaan lamang ito, dito nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa at ng buong mamamayan.
Sa huli sama-sama tayong manalangin nawa'y gabayan tayo sa pagpili ng kandidato na mamumuno sa ating bayan para sa kabutihan at kung sino man ang bigyan ng mandato at pagkalooban ng mayoryang mamamayan, ating suportahan at bantayan upang mapangalagaan ang ating Inang bayan!
Makilahok tayo, ang napakahalagang Boto mo ay magiging bahagi ng panibagong kasaysayan, Lumabas tayong may tapang, lakas at paninindigan gamit ang puso at Isip sa malalim at malawak na pananaw para sa bayan!...
-harrel, 6:49am
Subscribe to:
Posts (Atom)
MARCH 2021
March 1, 2021 - Monday Morning Meeting Email Checking and Printing of Applicants Resume Face-To-Face and Phone Call interview Examinatio...
-
MENSAHE HARREL M. PAYCANA Panauhing Pandangal at Tagapagsalita 52nd Commencement Exercises, Vegaflor Elementary School Ver...
-
Polytechnic University of the Philippines MASTER IN PUBLIC ADMINISTRATION Open University System, Lopez Campus Lopez, Quezon ...
-
Handog na Tula para kina: Lanslieshai Lee Wong at Halida Dian Jarin Dian Ami KASIYAHAN SA IYONG KAARAWAN Ni: Harrel M. Paycana Dalawang...