MANDATO!

Dahil sa isang araw na Eleksyon at Halalan, nasira ang ating mabuting ugnayan dahil sa prinsipyong ating ipinaglalaban, tanggap at nauunawaan ko naman kung ang Isip at puso mo Ang iyong naging basihan subalit kung nakikiuso ka lang at walang lalim ang iyong pinag-basehan hindi tama yan kc isa ka sa dahilan ng Pagtangis ng Inang bayan ....
Lahat naman ng ito ay para sa bawat isang kapwa natin Pilipino at Pilipinas, subalit isipin natin Na hindi basta-basta o gagawing biro o katuwaan lamang ito, dito nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa at ng buong mamamayan.
Sa huli sama-sama tayong manalangin nawa'y gabayan tayo sa pagpili ng kandidato na mamumuno sa ating bayan para sa kabutihan at kung sino man ang bigyan ng mandato at pagkalooban ng mayoryang mamamayan, ating suportahan at bantayan upang mapangalagaan ang ating Inang bayan!
Makilahok tayo, ang napakahalagang Boto mo ay magiging bahagi ng panibagong kasaysayan, Lumabas tayong may tapang, lakas at paninindigan gamit ang puso at Isip sa malalim at malawak na pananaw para sa bayan!...
-harrel, 6:49am

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...