Ang Aking PANAGINIP .......

Panaginip
August 20, 2016

Napupuna kong malimit akong magising sa bandang 1:30 am ngunit hindi lalampas ng 2:00 am mag da-dalawang linggo ko na akong nag oobserba na lagi akong nagigising na tila ba parang lagging may nakatingin sa akin o nagmamasid kaya ako ay nagigising sa mga oras na iyon, pag nagising ako tiningnan ko ang aking cellphone kaya malimit sa ganung oras ako talagang parang kusang nagigising at pag nagising ako mga 10-20 seconds ako ay pumunta sa banyo para umihi, pagkatapos nito ako may muling mahihiga at matutulog. Minsan sa ganitong pagkakataon hindi na ako ganun kabilis makatulog subalit kaninang madaling araw mabilis akong inantok agad.

Nais kong ibahagi ang aking panagip at sa pagkakataong ito ay aking isinulat upang ilagay sa aking Blog upang sa kung sino man ang makakabasa kanilang malaman dahil hindi ko ma-kwento at minsan ay akin nang nalilimutan.

Mula noong lumipat ako sa apartment na ito sa Ilem Homes Subd. Lagi akong nanaginip at nakakatuwang isipin o minsan nakakapangilabot dahil ang madalas kung mapanaginipan ay ang mga kaibigan o kamag-anak, mga mahal ko sa buhay na sumakabilang buhay na subalit mas lamang na mapanaginipan ko ang Diyos o ang Panginoon na lagi kung nakikita sa panaginip wala syang sinasabi sa akin pero sa panaginip ko lagi ko syang nakikita o nakakasama na nakatingin lang sa akin minsan masaya ang mukha nia minsan naman malungkot o minsan hindi ko malaman kung anong nais niyang iparating sa akin sa pamamagitan dahil sa panaginip wala syang binibigkas kundi kasama ko lang sya minsan katabi minsan malayo ang pwesto nia pero kitang kita ko ang kanyang mukha at mata na sa akin lang nakatingin.

Habang sinusulat kon ito ako ay kinakalibutan at naluluha dahil sinasariwa ko kung paano sya dumalaw sa aking mga panaginip hindi lang kase isa o dalawang beses kundi madalas.

Sa maramning pagkakataon na sya ay pumapasok sa aking panaginip nagyon ko lang nais ibahagi ito ang pangyayari kaninang madaling araw sa aking panaginip.



Nasa aming bahay daw ako sa Lopez, Quezon ang bahay naming ay malapit sa Highway o isang bahay lang ang pagitan at mismong Maharlika Highway na daan patungong Bicol ang aming bahay. Medyo mataas ang aming bahay may kunting bundok ito. Mula sa bundok sa likod na ng aming bahay sa Danlagan may dala daw akong Krus isang krus na dala din ng panginoon noong ipako sya sa Krus ng kalbaryo subalit ang krus kung dala ay aking pasan subalit ayaw koi tong ilapat sa lupa hindi ko maintindihan kung ang krus ay mabigat o magaan subalit isa lang ang alam ko komportable akong pasanin ang krus na dala ko. Mula sa likod ng bahay namin o bundok sa likod naming pinasan ko ito pababa sa highway subalit habang pababa ako sa highway nakita ako sa tabing highway sa mismong tapat ng bahay ng aking tiyohin na sumakabilang buhay na (kapatid ni tatay na bunso) sa bahay ng aking Tiyo Puto ay mayroong isang lamay o may naka –burol sa labas ng bahay nito at mismong nasa tabi ng highway hindi ko alam kung sino ang naka burol subalit malinaw sa akin ang kabaong na aking nakita at mga ilaw sa paligid nito. Sa tapat ng kabaong  naka upo ang aking ama si tatay kausap nia ang kanyang kapatid na si Tiyo Reynante parang nagtatalo sila pero malumay ang aking tatay ang narinig ko na winika ng aking ama sa kanyang kapatid ay “maniwala ka may Diyos at totoo sya”… subalit parang tila hindi naniniwala ang aking tiyohin, nakita ako ng aking tatay na pasan akong krus subalit tila parang ipinagdamot ko ang krus na aking pasan parang ayaw koi tong ipahawak o ipakita sa aking tiyohin subalit parang ang sinasabi ng aking tatay ay “..anak halika dito ipakita mo o pahawakan mo sa tiyo mo ang krus na pasan mo…” subalit matigas ako dahil nakita ko at narinig ko sa tiyo ko na parang hindi sya naniniwala na may Diyos kaya ayaw kong ipakita o ipahawak ang krus na pasan ko mabilis na ang pangyayari nasa gitna na ako ng highway ng biglang naipit na isang jeep na punong puno ng pasahero ang dulo ng krus na pasan ko napaiyak ako at napasigaw dahil ayaw kung palapatin sa lupa ang krus na pasan ko subalit marahil sa haba nito ay hindi ko namalayan na napalapag sa lupa ang krus at nadaan ng gulong ng jeep ang dulong bahagi ng nasabing krus…napatigil ang nasabing sasakyan nakita ko sa mukha ng mga pasahero ang ibat-ibang uri ng mukha na nasa loob nito mayroong walang paki-alam mayroon parang nahihirapan mayroon din malungkot meron din galit meron din masaya… ang jeep na aking sinasabi ay ang jeep patungong maynila ang daan at ang patungong bicol na daan naman ay ibat-ibang sasakyan ang natandaan ko na lang ay may isang bus na parang hindi makadaan tila nagkaroon ng isang mahabang traffic dahil sa krus na dala at pasan ko na nasa ilalim ng gulong ng jeep …

Nang mga oras na iyon habang nasa gitna ako ng daan at pasan ko ang krus tumingala ako sabi ko “..Diyos ko ..” at tiningnan ko lahat ang taong nakasakay sa ibat-ibang sasakyan mayroon parang nagmamakaawa .. humingi ng habag…umiiyak at humingi ng tawag hanggang mabitawan ko ang pasan kung krus dahil sa hindi ko maintindihang mga reaksyon ng mukha na aking nakita…

Nakita ko ang aking tatay na tila ba nagsasabi na “anak pahawakin o na ang tiyo mo sa krus na dala mo” nakita ko ang krus na aking pasan na unti-unti nang bumabagsak ..hinabol ko ito dahil ayaw koi tong pabagsakin nang tuluyan sa maputik at tila ba basing basang lupa nasalo koi to ay nayakap subalit nadampian ng krus ang mukha ng aking tiyo at tila ba nagkaroon ng liwanag at biglang umiyak ang aking tiyo ay naniwala na mayroon ngang Diyos… nang masalo ko ang krus sa pagmamagitan ng aking pagyakap biglang nagkaroon ng nakapako sa Krus .. biglang nakita ko ang mukha ng Panginoon na naka-pako sa krus umiyak ako ng umiyak habang yakap ko ang krus at tila nakayakap ako sa mukha ng Panginoon ang aking na-wika “..Panginoon ko ..” napakalakas ng aking iyak natakot ako subalit hindi ako bumitaw sa pagyakap ko sa krus at tila gustong gusto kong linisan ang mukha ng panginoon ng oras na iyon dahil nakita ako ang maraming dugo at dumi marahil dahil sa lupang maputik na muntik nang bagsakan ng krus…. Habang umiiyak ako binulungan nia ako ng “…. Anak huwag mo akong ipagkait o ipagdamot sa iba… hayaan mo akong Makita , mahawakan ng iba…”

Hanggang sa akoy magising sa aking panaginip na umiiyak nahawakan ko ang aking mukha na punong puno na luha ng oras na iyon tiningan ko ang aking cellphone ng oras na iyon past 3:00 am na halos nag sign of the cross ako at nagdasal sabi ko sa sarili bakit anong ibig sabihin ng aking panaginip habang umiiyak pa rin  ako iyak ako ng iyak habang ang na wi-wika ko lamang ng oras na iyon ay “Diyos ko, Diyos ko bakit po anong nais niong gawin ko”….

Sa mga oras na ito akoy umiiyak at nagpapasalamat kanina sa opis na share ko sa officemate ko casual kong nasabi kina ms. Ohyen at vanessa na sabi ko nanaginip na naman ako na kausap ko ang Diyos hindi ko alam kung narinig iyon ni Ms. Wheng, ms. Ohyen at vanessa nag try akong mag share ng aking panaginip sa officemate ko pero parang balewala kc busy din sila sa mga oras na iyon at tinuon ko na lang din ang aking oras sa trabaho… ang sabi ko sa sarili ko isusulat ko ito sa blog para hindi ko malimutan at tatawagan si Ms. Aiko ang aking kaibigan baka sakaling mabasa nia ang bloog ko at malaman nia kung anong ibig sabihin ng aking panaginip.

Habang ginagawa ko ang sulat na ito nagdarasal ako n asana wala akong makalimutang detalye sa aking panaginip at nagpapasalamat ako dahil naisulat ko ito ngayon dito sa aking kwarto  pagka out ko sa wok.


End (aug.20,2016, 6:35pm)
My Reflection:

Ako ay isang makasalanang tao dito sa lupa sa kabila ng aking paulit ulit na kasalanan ganun din ang paulit-ulit kong paghingi ng tawad sa Panginoon ang daming naiisip kung bakit ako madalas na nbagkakaroon ng panaginip na kasama ang Panginoon marahil dahil na ako nakakadalaw sa simbahan o nakakasimba hindi ko na rin nadadalaw ang Lolo Uweng ng Landayan at hindi na rin ako nakakanta sa Choir kaya sabi ko sa sarili ko marahil baka dapat sumimba na ako dahil maliit o halos tuwing Friday o Sunday hindi na ako nakaka simba dahil tuwing linggo nasa The Feast Sta. Rosa ako from 10:00 am to 12:30pm. Subalit sa the Feast alam kung kapiling ko ang Diyos sa tuwing aatend ako ng worship at sa tuwing kumakanta ng worship ko damang dama ko ang Panginoon hindi ako nahihiyang umiyak at itaas ang kamay ko bilang papuri sa kanya. I surrender to the Lord hindi ako nakakaramdam ng pagkangalay ng aking kamay sa habang inaawit ang mga worship song tila inaalalayan ako ng Diyos.

Sa aking mga panaginip ito ung panaginip ko na mula umaga hanggang ngayon ay nasa aking isip at puso na ano kaya ang nais ipahiwatig sa akin ng panaginip na iyo .. maaring sa puso at isip ko alam ko na ay tila tinatawag ako ni Lord na Harrel mag serve sa akin un lang marahil pero iba talaga ito naluluha ako sa tuwing maiisip ko talaga sino naman ako at bakit ako pero masaya ako dahil sa tuiwing nag iisa ako at malungkot kahit kasama ko ang kapatid kung bunso tila panatag ang puso ko kase sabi ko si Lord katabi ko lang lagi nandito lang sya sa akin…. Muli kong binabalikan ang aking pangarap n asana bago ako mamatay sa mundong ito na sana makapagpagawa ako ng isang maliit na chapel ung kasing laki ng chapel ng aming barangay sa danlagan o sa vegaflor sana maipatayo ko ito bago ako mamatay isang bahay dasalan o panalanginan ..isang lugar kung saan bukas sa lahat na gustong makapiling o maka-usap ang ating Panginoon isang lugar kung saan walang magbabawal sayong mahalin ang Diyos na nagbigay ng kung anong meron tayo sa mundong ito… hindi ko alam kung paano kung saan isa lang ang nais ko sana magawa ko ito bago ako lumisan.


8.20.16 7:24pm

Aiza Seguerra, Chairperson and CEO , National Youth Commission (NYC) 2016-2019


MANILA, Philippines – Singer and actor Aiza Seguerra has been appointed new chairperson and CEO of the National Youth Commission (NYC).

NYC Assistant Secretary Earl Saavedra announced the appointment by the President of Cariza Yamson Seguerra as undersecretary and head of the Commission Friday, August 12, during its celebration of International Youth Day.

"I take the opportunity to formally announce to everyone, with great honor, the appointment of the new chairperson of NYC, Cariza Yamson Seguerra, the newest member of the NYC family," Saavedra said.

Seguerra, together with partner, Liza DiƱo, has been a vocal supporter of President Rodrigo Duterte even prior the 2016 elections, campaigning for him both online and offline. Seguerra has also urged other Duterte supporters in the past not to be blind followers and to respect the opinion of others.

"It will help our President kung hindi tayo one-sided at marunong tayong magbigay ng respeto sa opinion ng iba (if we aren't one-sided and if we respect the opinion of others) instead of fanning the flames of hatred towards people who don't share the same point of view or opinion,” Seguerra wrote in a previous post.

A musician and former child actor, Seguerra has also supported the Lumads or indigenous peoples in Surigao del Sur. In September 2015, the Lumads have been on the receiving end of reported attacks, killings, arrests, harassment, zoning, and vilification in Lumad areas.
Seguerra takes the place of former NYC Chairperson Gio Tiongson who led the agency from 2014 to 2016.

During the IYD celebration, NYC also celebrated the achievements of the Filipino youth in reforming the Sangunniang Kabataan.

"Each one contributed the needed fair share to revolutionize the SK structure. With everyone's unified efforts, we succeeded with our goal to reengineer the structure for the better," Saavedra said.

Through its programs and projects that cater to the youth, the NYC serves to provide 30 million Filipino youth with opportunities to be an active partner in nation-building.
The agency’s programs include the Ship for Southeast Asian Youth Program (SSEAYP), Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO), National Youth Parliament, and the Local Youth Development Program. – Rappler.com


MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...