Panaginip
August 20, 2016
Napupuna kong malimit akong magising sa
bandang 1:30 am ngunit hindi lalampas ng 2:00 am mag da-dalawang linggo ko na
akong nag oobserba na lagi akong nagigising na tila ba parang lagging may
nakatingin sa akin o nagmamasid kaya ako ay nagigising sa mga oras na iyon, pag
nagising ako tiningnan ko ang aking cellphone kaya malimit sa ganung oras ako
talagang parang kusang nagigising at pag nagising ako mga 10-20 seconds ako ay
pumunta sa banyo para umihi, pagkatapos nito ako may muling mahihiga at
matutulog. Minsan sa ganitong pagkakataon hindi na ako ganun kabilis makatulog
subalit kaninang madaling araw mabilis akong inantok agad.
Nais kong ibahagi ang aking panagip at
sa pagkakataong ito ay aking isinulat upang ilagay sa aking Blog upang sa kung
sino man ang makakabasa kanilang malaman dahil hindi ko ma-kwento at minsan ay
akin nang nalilimutan.
Mula noong lumipat ako sa apartment na
ito sa Ilem Homes Subd. Lagi akong nanaginip at nakakatuwang isipin o minsan
nakakapangilabot dahil ang madalas kung mapanaginipan ay ang mga kaibigan o
kamag-anak, mga mahal ko sa buhay na sumakabilang buhay na subalit mas lamang
na mapanaginipan ko ang Diyos o ang Panginoon na lagi kung nakikita sa
panaginip wala syang sinasabi sa akin pero sa panaginip ko lagi ko syang nakikita
o nakakasama na nakatingin lang sa akin minsan masaya ang mukha nia minsan
naman malungkot o minsan hindi ko malaman kung anong nais niyang iparating sa
akin sa pamamagitan dahil sa panaginip wala syang binibigkas kundi kasama ko
lang sya minsan katabi minsan malayo ang pwesto nia pero kitang kita ko ang
kanyang mukha at mata na sa akin lang nakatingin.
Habang sinusulat kon ito ako ay
kinakalibutan at naluluha dahil sinasariwa ko kung paano sya dumalaw sa aking
mga panaginip hindi lang kase isa o dalawang beses kundi madalas.
Sa maramning pagkakataon na sya ay
pumapasok sa aking panaginip nagyon ko lang nais ibahagi ito ang pangyayari
kaninang madaling araw sa aking panaginip.
Nasa aming bahay daw ako sa Lopez,
Quezon ang bahay naming ay malapit sa Highway o isang bahay lang ang pagitan at
mismong Maharlika Highway na daan patungong Bicol ang aming bahay. Medyo mataas
ang aming bahay may kunting bundok ito. Mula sa bundok sa likod na ng aming
bahay sa Danlagan may dala daw akong Krus isang krus na dala din ng panginoon
noong ipako sya sa Krus ng kalbaryo subalit ang krus kung dala ay aking pasan
subalit ayaw koi tong ilapat sa lupa hindi ko maintindihan kung ang krus ay
mabigat o magaan subalit isa lang ang alam ko komportable akong pasanin ang krus
na dala ko. Mula sa likod ng bahay namin o bundok sa likod naming pinasan ko
ito pababa sa highway subalit habang pababa ako sa highway nakita ako sa tabing
highway sa mismong tapat ng bahay ng aking tiyohin na sumakabilang buhay na
(kapatid ni tatay na bunso) sa bahay ng aking Tiyo Puto ay mayroong isang lamay
o may naka –burol sa labas ng bahay nito at mismong nasa tabi ng highway hindi
ko alam kung sino ang naka burol subalit malinaw sa akin ang kabaong na aking
nakita at mga ilaw sa paligid nito. Sa tapat ng kabaong naka upo ang aking ama si tatay kausap nia
ang kanyang kapatid na si Tiyo Reynante parang nagtatalo sila pero malumay ang
aking tatay ang narinig ko na winika ng aking ama sa kanyang kapatid ay “maniwala
ka may Diyos at totoo sya”… subalit parang tila hindi naniniwala ang aking
tiyohin, nakita ako ng aking tatay na pasan akong krus subalit tila parang
ipinagdamot ko ang krus na aking pasan parang ayaw koi tong ipahawak o ipakita
sa aking tiyohin subalit parang ang sinasabi ng aking tatay ay “..anak halika
dito ipakita mo o pahawakan mo sa tiyo mo ang krus na pasan mo…” subalit
matigas ako dahil nakita ko at narinig ko sa tiyo ko na parang hindi sya
naniniwala na may Diyos kaya ayaw kong ipakita o ipahawak ang krus na pasan ko
mabilis na ang pangyayari nasa gitna na ako ng highway ng biglang naipit na
isang jeep na punong puno ng pasahero ang dulo ng krus na pasan ko napaiyak ako
at napasigaw dahil ayaw kung palapatin sa lupa ang krus na pasan ko subalit
marahil sa haba nito ay hindi ko namalayan na napalapag sa lupa ang krus at
nadaan ng gulong ng jeep ang dulong bahagi ng nasabing krus…napatigil ang
nasabing sasakyan nakita ko sa mukha ng mga pasahero ang ibat-ibang uri ng
mukha na nasa loob nito mayroong walang paki-alam mayroon parang nahihirapan
mayroon din malungkot meron din galit meron din masaya… ang jeep na aking
sinasabi ay ang jeep patungong maynila ang daan at ang patungong bicol na daan
naman ay ibat-ibang sasakyan ang natandaan ko na lang ay may isang bus na
parang hindi makadaan tila nagkaroon ng isang mahabang traffic dahil sa krus na
dala at pasan ko na nasa ilalim ng gulong ng jeep …
Nang mga oras na iyon habang nasa gitna
ako ng daan at pasan ko ang krus tumingala ako sabi ko “..Diyos ko ..” at
tiningnan ko lahat ang taong nakasakay sa ibat-ibang sasakyan mayroon parang
nagmamakaawa .. humingi ng habag…umiiyak at humingi ng tawag hanggang mabitawan
ko ang pasan kung krus dahil sa hindi ko maintindihang mga reaksyon ng mukha na
aking nakita…
Nakita ko ang aking tatay na tila ba
nagsasabi na “anak pahawakin o na ang tiyo mo sa krus na dala mo” nakita ko ang
krus na aking pasan na unti-unti nang bumabagsak ..hinabol ko ito dahil ayaw
koi tong pabagsakin nang tuluyan sa maputik at tila ba basing basang lupa
nasalo koi to ay nayakap subalit nadampian ng krus ang mukha ng aking tiyo at
tila ba nagkaroon ng liwanag at biglang umiyak ang aking tiyo ay naniwala na
mayroon ngang Diyos… nang masalo ko ang krus sa pagmamagitan ng aking pagyakap
biglang nagkaroon ng nakapako sa Krus .. biglang nakita ko ang mukha ng
Panginoon na naka-pako sa krus umiyak ako ng umiyak habang yakap ko ang krus at
tila nakayakap ako sa mukha ng Panginoon ang aking na-wika “..Panginoon ko ..”
napakalakas ng aking iyak natakot ako subalit hindi ako bumitaw sa pagyakap ko
sa krus at tila gustong gusto kong linisan ang mukha ng panginoon ng oras na
iyon dahil nakita ako ang maraming dugo at dumi marahil dahil sa lupang maputik
na muntik nang bagsakan ng krus…. Habang umiiyak ako binulungan nia ako ng “….
Anak huwag mo akong ipagkait o ipagdamot sa iba… hayaan mo akong Makita ,
mahawakan ng iba…”
Hanggang sa akoy magising sa aking
panaginip na umiiyak nahawakan ko ang aking mukha na punong puno na luha ng
oras na iyon tiningan ko ang aking cellphone ng oras na iyon past 3:00 am na
halos nag sign of the cross ako at nagdasal sabi ko sa sarili bakit anong ibig
sabihin ng aking panaginip habang umiiyak pa rin ako iyak ako ng iyak habang ang na wi-wika ko
lamang ng oras na iyon ay “Diyos ko, Diyos ko bakit po anong nais niong gawin
ko”….
Sa mga oras na ito akoy umiiyak at
nagpapasalamat kanina sa opis na share ko sa officemate ko casual kong nasabi
kina ms. Ohyen at vanessa na sabi ko nanaginip na naman ako na kausap ko ang
Diyos hindi ko alam kung narinig iyon ni Ms. Wheng, ms. Ohyen at vanessa nag
try akong mag share ng aking panaginip sa officemate ko pero parang balewala kc
busy din sila sa mga oras na iyon at tinuon ko na lang din ang aking oras sa
trabaho… ang sabi ko sa sarili ko isusulat ko ito sa blog para hindi ko
malimutan at tatawagan si Ms. Aiko ang aking kaibigan baka sakaling mabasa nia
ang bloog ko at malaman nia kung anong ibig sabihin ng aking panaginip.
Habang ginagawa ko ang sulat na ito
nagdarasal ako n asana wala akong makalimutang detalye sa aking panaginip at
nagpapasalamat ako dahil naisulat ko ito ngayon dito sa aking kwarto pagka out ko sa wok.
End (aug.20,2016, 6:35pm)
My Reflection:
Ako ay isang makasalanang tao dito sa
lupa sa kabila ng aking paulit ulit na kasalanan ganun din ang paulit-ulit kong
paghingi ng tawad sa Panginoon ang daming naiisip kung bakit ako madalas na
nbagkakaroon ng panaginip na kasama ang Panginoon marahil dahil na ako
nakakadalaw sa simbahan o nakakasimba hindi ko na rin nadadalaw ang Lolo Uweng
ng Landayan at hindi na rin ako nakakanta sa Choir kaya sabi ko sa sarili ko
marahil baka dapat sumimba na ako dahil maliit o halos tuwing Friday o Sunday
hindi na ako nakaka simba dahil tuwing linggo nasa The Feast Sta. Rosa ako from
10:00 am to 12:30pm. Subalit sa the Feast alam kung kapiling ko ang Diyos sa
tuwing aatend ako ng worship at sa tuwing kumakanta ng worship ko damang dama
ko ang Panginoon hindi ako nahihiyang umiyak at itaas ang kamay ko bilang
papuri sa kanya. I surrender to the Lord hindi ako nakakaramdam ng pagkangalay
ng aking kamay sa habang inaawit ang mga worship song tila inaalalayan ako ng Diyos.
Sa aking mga panaginip ito ung panaginip
ko na mula umaga hanggang ngayon ay nasa aking isip at puso na ano kaya ang
nais ipahiwatig sa akin ng panaginip na iyo .. maaring sa puso at isip ko alam
ko na ay tila tinatawag ako ni Lord na Harrel mag serve sa akin un lang marahil
pero iba talaga ito naluluha ako sa tuwing maiisip ko talaga sino naman ako at
bakit ako pero masaya ako dahil sa tuiwing nag iisa ako at malungkot kahit
kasama ko ang kapatid kung bunso tila panatag ang puso ko kase sabi ko si Lord
katabi ko lang lagi nandito lang sya sa akin…. Muli kong binabalikan ang aking
pangarap n asana bago ako mamatay sa mundong ito na sana makapagpagawa ako ng isang
maliit na chapel ung kasing laki ng chapel ng aming barangay sa danlagan o sa
vegaflor sana maipatayo ko ito bago ako mamatay isang bahay dasalan o panalanginan
..isang lugar kung saan bukas sa lahat na gustong makapiling o maka-usap ang
ating Panginoon isang lugar kung saan walang magbabawal sayong mahalin ang
Diyos na nagbigay ng kung anong meron tayo sa mundong ito… hindi ko alam kung
paano kung saan isa lang ang nais ko sana magawa ko ito bago ako lumisan.
8.20.16 7:24pm
No comments:
Post a Comment