PAALAM, Insan Erwin Echano....





https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10213656257143535&set=a.10200213970774777.192743.1317477291&type=3&theater


"....nakakabigla, nakakalungkot, sobrang nakakaiyak ang napaka bilis ng iyong pag alis sa piling namin... muli kong binabalikan ang pagsasama natin hindi lang bilang mag pinsan kundi mabuting kaibigan, kaklase at kakampi....noong nag chat ka tungkol sa pagkamatay ni Lola Nita, pero ngayon naman mula sa chat ng ating pinsan ikaw naman ang nawala.... daya mo sabi mo sabay tayong maglulukad at maliligo uli sa ilog... noong nasa vegaflor pa ako pag wala sina tita magda at tito adel pinapasamahan nila ako sayo sa bahay kc matatakutin ako bawal akong mag isa sa gabi sinasamahan mo ako ... naalala ko noong grade 5 tayo pagkatapos nating kumain ng tanghalian sa ilog o sa may sapa diritso langoy na tayo ....kaya pagpasok basang basa tayo ...masayang alaala. Na lang lahat..... iba iba talaga ang pagmamahal ng Panginoon sa atin at ang mga paraan ng pagpunta sa piling nia..... kasabay ng aming pagluha ang aming panalangin wag kang mag alalala magkikita rin naman tayo jan.... salamat insan sa lahat ng pagmamahal at kabutihan mo sa akin... Mahal kita insan Erwin Echano https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10213656257143535&set=a.10200213970774777.192743.1317477291&type=3&theater๐Ÿ’Ÿ๐Ÿ’Ÿ๐Ÿ’Ÿ

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10213656257143535&set=a.10200213970774777.192743.1317477291&type=3&theater







Parlor Games, My Birthday 2017

Munting palaro sa Pagdiriwang ng Aking Kapanganakan 2017


Kulitan ng mga Pamangkin ko :)

Noong mga bata pa sila :)


Mga Mahal kung pamangkin noong bata pa sila :)


Meet my pamangkin's in Lopez bata pa sila noon ngayon mga dalaga at binata na :)


Dance with Mojojo

before lunch :) Baby Shark este damulag shark :)



My Baby Shark Dance




Baby Shark Dance



pag nalulungkot ka sumayaw ka ng baby shark tanggal lahat kaso pansamantala lang!

HMP Project, Nawa'y maging Tagumpay!

Sa aking taunang paghahandog ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, pormal kung ilulunsad sa taong ito ang HMP Project o ang Handog Malasakit at Pagmamahal Project 2017, nais ko magbigay ng mga gamit pang eskwela ang mga batang mag-aaral sa ibat-ibang barangay sa aming bayan kung saan ako nagmula. Sa kalooban ng Panginoon nais ko itong ibigay sa mga batang mag-aaral sa Day Care Center ng Danlagan Lopez, Quezon. 

Sa kasalukuyan nagiipon na ako ng mga gamit upang ipamahagi sa mga bata ngayong darating na pasko. Bagaman ako ay mahirap lamang at sapat lang ang sahod sa pang araw-araw na pangangailangan mas ninanais ng puso ko na makatulong sa abot ng aking kakayahan. Tuwing sasahod ako bumibili na ako ng ilang pirapirasong kagamitan upang makaipon at mapagsama-sama ko upang maipamahagi. 

Masarap sa pakiramdam mula noong nasa High School pa lang ako unang nagawa ito at hanggang ngayon sana ito ay patuloy kong magawa . Sa Tulong ng gabay ng Panginoon sana taon-taon akong pagkalooban ng lakas ng katawan upang maipagpatuloy ko ang aking nasimulan. 

Sabi ng ilan bakit ko ginagawa ang mga bagay na iyon, sa kabila ng kahirapan bakit daw iyong mga mga na itutulong ko sa iba bakit di ko daw ibigay na lang sa pamilya ko. Nauunawaan ko naman kung bakit nila nasasabi sa akin ang mga bagay na iyon subalit kailan man hindi ko naman kinalimutana ang responsibilidad sa aking pamilya at ako naman ay hindi nakakalimutan na tumulong sa kanila sa abot ng aking kakayanan. 

Isa lang ang nais ko, ang makita ng mga tao na kahit nahihirapan tayo sa pang araw-araw na pamumuhay wag nating kalimutan na may magagawa tayo para matulungan ang kapwa natin hindi man sa pinansyal o materyal na bagay kundi ung presensya mo bilang kapwa ng iyong kapwa. Yung mararamdaman nila na may umaalalay at may dumadamay sayo kahit hidni mo kailangan ay may mga taong handang makinig o suporta sa iyo sa kahit anong laban mo o makakasama mo sa araw ng mga kabiguan at tagumpay mo. 

Ang Handog Malasakit at Pagmamahal Project ay hindi lamang limitado sa pagbibigay ng materyal na tulong kundi sa isang malalim na aspeto ang magbigay ng malasakit at pagmamahal anumang oras at sa ano mang pagkakataon. 

Lahat tayo ay mawawala sa mundong ito maaring makalimutan tayo ng lahat ng nakasalamuha natin pero ung naitanim mong kabutihan sa kapwa mo ay mananatili na sa pagkatao ng kapwa mo kung saan naitanim mo sa kanilang puso ang pagmamahal sa kapwa. 


MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...