HMP Project, Nawa'y maging Tagumpay!

Sa aking taunang paghahandog ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, pormal kung ilulunsad sa taong ito ang HMP Project o ang Handog Malasakit at Pagmamahal Project 2017, nais ko magbigay ng mga gamit pang eskwela ang mga batang mag-aaral sa ibat-ibang barangay sa aming bayan kung saan ako nagmula. Sa kalooban ng Panginoon nais ko itong ibigay sa mga batang mag-aaral sa Day Care Center ng Danlagan Lopez, Quezon. 

Sa kasalukuyan nagiipon na ako ng mga gamit upang ipamahagi sa mga bata ngayong darating na pasko. Bagaman ako ay mahirap lamang at sapat lang ang sahod sa pang araw-araw na pangangailangan mas ninanais ng puso ko na makatulong sa abot ng aking kakayahan. Tuwing sasahod ako bumibili na ako ng ilang pirapirasong kagamitan upang makaipon at mapagsama-sama ko upang maipamahagi. 

Masarap sa pakiramdam mula noong nasa High School pa lang ako unang nagawa ito at hanggang ngayon sana ito ay patuloy kong magawa . Sa Tulong ng gabay ng Panginoon sana taon-taon akong pagkalooban ng lakas ng katawan upang maipagpatuloy ko ang aking nasimulan. 

Sabi ng ilan bakit ko ginagawa ang mga bagay na iyon, sa kabila ng kahirapan bakit daw iyong mga mga na itutulong ko sa iba bakit di ko daw ibigay na lang sa pamilya ko. Nauunawaan ko naman kung bakit nila nasasabi sa akin ang mga bagay na iyon subalit kailan man hindi ko naman kinalimutana ang responsibilidad sa aking pamilya at ako naman ay hindi nakakalimutan na tumulong sa kanila sa abot ng aking kakayanan. 

Isa lang ang nais ko, ang makita ng mga tao na kahit nahihirapan tayo sa pang araw-araw na pamumuhay wag nating kalimutan na may magagawa tayo para matulungan ang kapwa natin hindi man sa pinansyal o materyal na bagay kundi ung presensya mo bilang kapwa ng iyong kapwa. Yung mararamdaman nila na may umaalalay at may dumadamay sayo kahit hidni mo kailangan ay may mga taong handang makinig o suporta sa iyo sa kahit anong laban mo o makakasama mo sa araw ng mga kabiguan at tagumpay mo. 

Ang Handog Malasakit at Pagmamahal Project ay hindi lamang limitado sa pagbibigay ng materyal na tulong kundi sa isang malalim na aspeto ang magbigay ng malasakit at pagmamahal anumang oras at sa ano mang pagkakataon. 

Lahat tayo ay mawawala sa mundong ito maaring makalimutan tayo ng lahat ng nakasalamuha natin pero ung naitanim mong kabutihan sa kapwa mo ay mananatili na sa pagkatao ng kapwa mo kung saan naitanim mo sa kanilang puso ang pagmamahal sa kapwa. 


No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...