JOMALIG ISLAND - Quezon Province

 Repost from Jon to the World

Why you should visit JOMALIG ISLAND in 2018.

🏄Simple lang unspoiled beach, nakakarelaks na buhay isla at mababait na locals.

🚣🏊PAANO PUMUNTA?
1. Ride a bus going to Real, Quezon. Raymond bus in Legarda, Manila offers daily night trips to Real. Drop off point is the port going to Jomalig or Ungos port.

2. Once you're in Real, ride a tricycle (10 pesos) going to Ungos Port. Then, sakay ka ng boat going to Jomalig. Travel time is 5 to 6 hours for 400 pesos na bayad with meals.

3. Pagdating Jomalig, ask around for your resort kung san ka nag-book. Pag medyo malayo resort at di pwede lakarin. sakay kang habal-habal. Exciting.

😱💓For your COMPLETE TRAVEL GUIDE, check my blog post, https://jontotheworld.com/jomalig-island-budget-diy-travel-guide/

Enjoy the beauty of this island. Promise, malayo man ang biyahe di kayo magsisisi. Tingnan nyo nga tong mga pics. Di sapat ang pics, mas maganda makita at ma experience mo ng personal.😍

Kaya planuhin na ang travel to Jomalig this 2018!

Please follow po sa IG: https:https://www.instagram.com/jontotheworld_/

© Jon To the world

picture: CTTO








KALUNGKUTAN, may masamang EPEKTO sa ating KALUSUGAN!

Paano nga ba naapektuhan ng labis na kalungkutan ang ating kalusugan? Ikaw, dumating ka na ba sa punto ng buhay mo na ikaw ang nagmukmok, tipong ayaw mo ng may kausap o kasama mas gusto ang laging nagiisa dahil sa labis na kalungkutang iyong nararamdaman?.... maaring ang sagot mo ay OO, sapagkat tayong lahat ay may ibat-ibang pinagdadaanang mabigat sa buhay na sanhi upang tayo ay malungkot.

Para sa kabatiran ng lahat, may masamang epekto sa kalusugan natin ang labis na kalungkutan, sa datos na aking nakalap isang pag-aaral sa United States ang nagpapatunay na ang kalungkutan ay isa sa dahilan ng pag-iksi ng buhay ng tao kapag ito ay hindi naagapan.

Itinuturing na isang epidemya sa mundo ang labis na kalungkutan sa mga tao. Sa datos na lumabas sa isang survey ng AARP o American Association of Retired Persons, naitala noong 2018 na higgit a 1/3 na adult na nasa edad na 45 years old pataas ay kinokonsiderang malungkot.

Iniuugnay ang kalungkutan sa pagkakaroon ng mahinang kalusugan. May physiological effect ito ayon sa pag-aaral ng University of Chicago kung saan lumabas na nababago ng labis na kalungkutan ang istruktura ng mga cells sa katawan ng tao na nagiging dahilan ng pagkakasakit nito.

Sinang-ayunan din ito ng isa pang pag-aaral na ginawa sa National Academy of Sciences kung saan napatunayan na ang stress dulot ng labis na kalungkutan ang siyang nagpapahina sa immune system ng tao at nagsasapanganib ng pagkakaroon ng inflammations sa iba't-ibang parte ng katawan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng sakit sa puso, type 2 diabetes, rayuma at alzheimer's disease.

Nagbubunsod din ang kalungkutan ng paggawa ng mga maling desisyon sa buhay at pagkakaroon ng unhealthy lifestyle ng isang tao gaya ng paglalasing, paninigarilyo, pagkain ng hindi masusustansiyang pagkain, at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sa madaling salita, kinakailangan ng bawat tao ng mahihingahan ng kanyang loob upang mailabas ang kalungkutan na nararamdaman nito.

Paano nakakatulong ang pamilya at mga kaibigan upang maiwasan ang labis na kalungkutan

“Having a reliable support system goes a long way to decrease stress in our lives, and less stress means that we are happier and healthier overall,” sabi ni Nathalie Theodore, isang licensed clinical social worker at therapist sa Chicago, Illinois.

Nailathala sa Journal of Health and Social Behavior na ang pagkakaroon ng positibong relasyon sa kapwa ay nagdudulot ng kapanatagan sa isang tao. Napapababa ng pakikisalamuha ang blood pressure, stress hormones at nagiging normal ang heart rate ng isang tao.

Bilang paalala, may mga kaibigan o kamag-anak na 'toxic' sa ating buhay na kailangan nating iwasan kaya tulad ng payo ng ating mga magulang, pumili ng mabubuting kaibigan na may mabuti ring impluwensiya sa iyo.

Bagaman madali na ang pakikipag-usap ngayon sa ibang tao sa pamamagitan ng social media at Internet, ipinapayo ni Theodore na mas mainam pa rin ang harapang interaksyon sa kapwa.

“Communicating with friends online doesn’t fulfill our needs for connection and intimacy the same way that socializing in person can,” aniya.

"However, that alone may not be sufficient to prevent friendships eventually dying naturally if they are not occasionally reinforced by face-to-face interaction.” dagdag niya.

Ikaw, kailan ka huling lumabas kasama ng iyong pamilya at mga kaibigan? Subukang makipag-bonding muli sa kanila upang maiwasan ang pagkakaroon ng labis na kalungkutan sa buhay.








Source : Livestrong, University of Chicago







MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...