Paano nga ba naapektuhan ng labis na kalungkutan ang ating kalusugan? Ikaw, dumating ka na ba sa punto ng buhay mo na ikaw ang nagmukmok, tipong ayaw mo ng may kausap o kasama mas gusto ang laging nagiisa dahil sa labis na kalungkutang iyong nararamdaman?.... maaring ang sagot mo ay OO, sapagkat tayong lahat ay may ibat-ibang pinagdadaanang mabigat sa buhay na sanhi upang tayo ay malungkot.
Para sa kabatiran ng lahat, may masamang epekto sa kalusugan natin ang labis na kalungkutan, sa datos na aking nakalap isang pag-aaral sa United States ang nagpapatunay na ang kalungkutan ay isa sa dahilan ng pag-iksi ng buhay ng tao kapag ito ay hindi naagapan.
Itinuturing na isang epidemya sa mundo ang labis na kalungkutan sa mga tao. Sa datos na lumabas sa isang survey ng AARP o American Association of Retired Persons, naitala noong 2018 na higgit a 1/3 na adult na nasa edad na 45 years old pataas ay kinokonsiderang malungkot.
Iniuugnay ang
kalungkutan sa pagkakaroon ng mahinang kalusugan. May physiological effect ito
ayon sa pag-aaral ng University of Chicago kung saan lumabas na
nababago ng labis na kalungkutan ang istruktura ng mga cells sa katawan ng tao
na nagiging dahilan ng pagkakasakit nito.
Sinang-ayunan din
ito ng isa pang pag-aaral na ginawa sa National Academy of Sciences
kung saan napatunayan na ang stress dulot ng labis na kalungkutan ang siyang
nagpapahina sa immune system ng tao at nagsasapanganib ng pagkakaroon ng
inflammations sa iba't-ibang parte ng katawan. Ilan sa mga halimbawa nito ay
ang pagkakaroon ng sakit sa puso, type 2 diabetes, rayuma at alzheimer's
disease.
Nagbubunsod din ang
kalungkutan ng paggawa ng mga maling desisyon sa buhay at pagkakaroon ng
unhealthy lifestyle ng isang tao gaya ng paglalasing, paninigarilyo, pagkain ng
hindi masusustansiyang pagkain, at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Sa madaling
salita, kinakailangan ng bawat tao ng mahihingahan ng kanyang loob upang
mailabas ang kalungkutan na nararamdaman nito.
Paano nakakatulong ang pamilya at mga kaibigan upang maiwasan ang
labis na kalungkutan
“Having a
reliable support system goes a long way to decrease stress in our lives, and
less stress means that we are happier and healthier overall,” sabi ni Nathalie
Theodore, isang licensed clinical social worker at therapist sa Chicago,
Illinois.
Nailathala sa Journal
of Health and Social Behavior na ang pagkakaroon ng positibong relasyon sa
kapwa ay nagdudulot ng kapanatagan sa isang tao. Napapababa ng pakikisalamuha
ang blood pressure, stress hormones at nagiging normal ang heart rate ng isang
tao.
Bilang paalala,
may mga kaibigan o kamag-anak na 'toxic' sa ating buhay na
kailangan nating iwasan kaya tulad ng payo ng ating mga magulang, pumili ng
mabubuting kaibigan na may mabuti ring impluwensiya sa iyo.
Bagaman madali na
ang pakikipag-usap ngayon sa ibang tao sa pamamagitan ng social media at
Internet, ipinapayo ni Theodore na mas mainam pa rin ang harapang interaksyon
sa kapwa.
“Communicating
with friends online doesn’t fulfill our needs for connection and intimacy the
same way that socializing in person can,” aniya.
"However,
that alone may not be sufficient to prevent friendships eventually dying
naturally if they are not occasionally reinforced by face-to-face interaction.”
dagdag niya.
Ikaw, kailan ka
huling lumabas kasama ng iyong pamilya at mga kaibigan? Subukang
makipag-bonding muli sa kanila upang maiwasan ang pagkakaroon ng labis na
kalungkutan sa buhay.
Source : Livestrong, University
of Chicago
No comments:
Post a Comment