Sa taong ito napakadami kong dapat ipagpasalamat sa Panginoon sa pagbibigay nia ng pagkakataon na bigyan ng panibagong taon sa aking buhay . upang makapagbigay ng inspirasyon, pagmamahal at tulong sa mga mahal ko sa buhay. Panibagong yugto na naman ang aking tatahakin buong pusong tatanggapin kung ano man ang kaloob sa taong ito.
PAMILYA:
Wala akong ibang hiling kundi mabigyan sila ng masaya at maayos na buhay ang aking mga magulang, mga kapatid at pamangkin. Sila ang aking pangunahing lakas kaya kailan kong lumaban sa buhay. Malayo layo na rin ang aking nilakbay at patuloy na humahakbang upang marating ang dako pa roon.
TRABAHO:
Nais kong pasalamatan ang trabahong nagbibigay sa akin ng pagkakatong kumita upang makatulong sa aking pamilya at sa aking sarili. Sa aking mga kasamahan at may-ari ng kompanya na walang sawang umuunawa at nagtitiwala sa aking kakayanan. Kahit pagod ang isip at katawan pilit na lalaban para sa makapagtrabo ng maayos at marangal.
KAPWA:
Nabigyan ako ng pagkakaton na maging kasangkapan upang makapagbigay ng trabaho sa mga nangangailangan , makapagbigay ng gabay at pagpapayo sa mga nangangailangan.
KAIBIGAN:
Makapagbigay ng sigla at ngiti at mga kuru-kuru mga payo at mga suhesyon.
LIPUNAN:
Isang mamayan na magtataguyod ng pangkagalingan, maging instrumento ng kapayaan at pagkakasundo, makapagbigay ng isang malayang pahayag sa bawat isyung kinakaharap ng lipunan upang maitaguyod ang patas at karapatan ng bawat isa na makakatulong sa positibong pananaw ng bawat isa.
SIMBAHAN:
Naging pangalawa kong tahanan, sa sandali ng aking kahinaan, pagkabigo, hirap, luha, pasasalamat at papuri sa Panginoon ang takbuhan ko ay simbahan, Dito ko nailuluha, nasasabi ang laman ng aking puso at isip upang mapakawalan ko ang lahat ng nais ko , Ang simbahan ang Tahanan ng Diyos ang nagiisa kung kakampi ang aking kanlungan at ang nagpaparamdam sa aking kahalagan sa mundong aking ginagalawan. Ibinabalik ang pasasalamat sa lahat ng kahilingan at pagpapala.
RELASYON:
Bilang tao ako ay nagmamahal at nais mahalin din, isang relasyon na hindi tanggap sa lipunan at mataaas ang diskriminasyon. nagmamahal ako ng kapwa ko sa kabila ng aking pananampalataya subalit alam ko na ang Pagibig, Pagmamahal at pagpapahalaga sa isang relasyon ay mauunawaan ng Pinaka mataas na Lumikha sa lahat ng bagay. Sa kasalukuyan magkalayo kami sa mahirap, malungkot pero kailangan kayanin sapagkat hindi lamang sa amin umiikot ang mundo mayroon din syang Pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya . dumarating ang pag-aalala subalit mas namamayani ang pagmamahal at pagpapaubaya upang sa huli walang pagsisisi.
Walang hanggang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aking buhay mula ng akoy inuluwal ng aking magulang sa mundong ito taong 1983 hanggang 2014 sa lahat lahat ng tao at pangyayaring naganap salamat sa lahat naging bahagi kayo ng aking ngiti at luha , ng tagumpay at pagkabigo, ng galit at kababaang loob, ng pagtatanong at kaliwanagan, ng pagsisisi at pagtanggap ...salamat salamat at salamat...
ngayong ang bagong simula ang pagyakap sa taong 2015 hanggang sa marami pang taon na aking ilalagi sa mundong ito, naway hindi ako tumigil o panghinaan ng loob sa bawat araw na kakaharapin ko sa aking buhay.
3/11/15
2:58pm
Karanasan sa buhay dito matapang na itatala!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MARCH 2021
March 1, 2021 - Monday Morning Meeting Email Checking and Printing of Applicants Resume Face-To-Face and Phone Call interview Examinatio...
-
MENSAHE HARREL M. PAYCANA Panauhing Pandangal at Tagapagsalita 52nd Commencement Exercises, Vegaflor Elementary School Ver...
-
Polytechnic University of the Philippines MASTER IN PUBLIC ADMINISTRATION Open University System, Lopez Campus Lopez, Quezon ...
-
Handog na Tula para kina: Lanslieshai Lee Wong at Halida Dian Jarin Dian Ami KASIYAHAN SA IYONG KAARAWAN Ni: Harrel M. Paycana Dalawang...
No comments:
Post a Comment