The RUINS in Bacolod



Akala ko isang ordinaryong pasyalan lamang ang " The RUINS" ng Bacolod City, subalit sa tulong ng tour guide guide nito at sa tulong ng ilang babasahin sa loob ng nasabing pasyalan ay aking napagtanto ang kontribusyon nito sa kasaysasayan ng Bacolod City. Noong nakaraang Marso 16, 2016 ay narating ko ang pina-uusapang lugar sa Pilipinas at nagkaroon din sa lugar na ito ng ilang eksena sa isang Teleserye na pinabibidahan nina Kim at Koko Martin.
Kung sa unang pagpasok mo akala mo isang pang-karaniwang gusali lamang ito subalit habang papalapit ka makikita mo ang tunay na kagandahan nito isang malaki, matibay at magandang arkitekto ang nasabing gusali na yari sa hindi pangkaraniwang mga materyales ang bumuo dito. 

Sa aking paglakad naramdaman ko ang kakaibang kapanatagan ng aking isip at puso, na nagpapahiwatig ng kapayaan at pagka-mangha na sa gitna ng isang tubuhan ay may maitatayong isang gusaling napakalaki at nakapaganda. 

Bagaman hindi ko nakita ang tunay na larawan ng gusaling ito, subalit mababakas ng bawat isang dayuhan, turista o isang mamayan ng nasabing bayan na isang magandang bahay ang gusaling ito . 



Isang dagdag karanasan para sa akin ang makarating sa lugar na ito, ang malaman ang kasaysayan at kwento sa likod nito at sa mga taong naging bahagi at sa kasalukuyan namamahala dito. May kanya kanyang kwento ang bawat isang nakarating dito kaya mahalaga bilang isang Pilipino tuklasin natin kung ano nga ba ang tunay na kwento nito. 

to be cont. 
-harrel 3.22.16 12:53pm







https://www.travelblog.org/Asia/Philippines/Negros/Bacolod/blog-693064.html

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...