PASASALAMAT at PAGMAMAHAL sa aking MAHAL na INA

PASASALAMAT at PAGMAMAHAL
…..handog sa kaarawan ng aming Ina
AMINDA MORA PAYCANA
September 24, 2015


NANAY
N-agpapasalamat kaming pitong (7) anak mo, sa pagkakataong mabuhay  sa mundo
A-ruga mo at kalinga sa’ming mga anak sadyang kahanga-hanga
N-anay simula’t sapol ika’y inspirasyon at sa amin ay nagbibigay motibasyon
A-lay ang panalagin, gabayan nawa tayo ng Panginoong Lumikha sa atin
Y-akap ng Nanay Minda sa aming mga anak ay nagpapakalma.

AMINDA
A-nak na nagkasala, hindi mo sinukuan bagkus iyong dinisiplina
M-apagkumbaba mong sinamahan at sinuportahan sa kahit anong laban ng buhay
I-niyakan mo ang aming pagkakamali na sayo’y nagbigay ng pighati
N-gunit sa kabila ng lahat ngmiti ka pa rin na parang walang dinadalang suliranin
D-ahilan upang kami’y matutong magsikap para masuklian nagawa mong hirap
A-laga mong pinamalas ay walang katumbas kami ay lubhang nagagalak at nagpapasalamat.

MORA
M-insan sa aming buhay, benalewala ang iyong kahalagahan
O-ras namin ay nasasayang upang maipadama ang aming pagmamahal
R-esponsibilidad bilang Nanay sa aming mga anak ikaw ay walang pagkukulang
A-ng iyong tagubilin ay naiparating lagi naming dadalhin sa aming mga piling.

PAYCANA
P-atnubay at gabay iyong ibinigay lagi itong kasama sa araw-araw na pangaral
A-lagang “Nanay” hindi matatawaran sa pitong (7)anak mo ito’y napatunayan
Y-aman ng pamilya ang magkaroon ng isang : “Nanay Aminda
C-haracter namin ay iyong hinubog gamit mong karanasan nagbigay tungkod
A-nak” ang tawag mo sa amin na sadyang sa pandinig ay kagiliw-giliw
N-ananahan sa aming puso’t isipan kontribusyon mo NANAY mahalaga sa aming buhay
A-lam ng Diyos kung gaano ka naming kamahal, buhay namin sa’yo iaalay.

Harrel 09.24.15

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...