Paano kita mapapaSALAMATan!

Sa daming tumulong sa akin para mabuhay ako sa mundong ito bukod sa pamilya ko ang dami ko palang dapat pasalamatan subalit hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatan...

Salamat......

sa PANGINOON na gumawa ng lahat dito sa mundo...

sa aking LOLO AT LOLA, kundi dahil sa inyo wala akong magpagkalingang mga magulang
sa aking INA na nagluwal sa akin sa mundong ito...
sa aking AMA na katuwang ng aking INA para maisilang at mabuhay ako sa mundong ito...
sa aking mag KAPATID ....

kay ate MARISSA, bilang panganay sa amin na nagsilbing inspirasyon ko para maging mabuting tao at magsikap nakita ko ang kanyang paghihirap para mapaglaban ang buhay, nakita ako ang prinsipyo at paniniwala na malaking tulong sa aking maging isang mabuting mamayan.

kay ate MARIEL, isang matapang na tao maraming hamon pero alam kong sa puso nio mahal na mahal nia kami bilang pamilya nia, hindi ako sumuko na darating ang araw na muli ka naming makakasama.

kay manoy DON-DON, bilang panganay na lalaki na maraming pangarap may mabuting puso at lumuluha sa tuwing may nangyayari sa aking masama partikular sa aking kalusugan, hindi pinapakita sa akin na nasasaktan sya sa mga nangyayari sa aking buhay subalit dama ko ang iyong pag-aala sa akin.

kay manoy AYAN, alam kung mahal mo rin ako akala mo hindi ko naramdaman un pero alam ko kung paano mo ako ipaglaban,

kay ANTANG, kahit nong unan masama ang loob ko kc nag asawa ka agad subalit alam ko naman na najan ka palagi sa akin para akoy damayan.

kay BOTOG bilang bunso namin tahimik pero alam kong mahal mo ang pamilya natin, alam kung marami kang hinanakit pero alam mong hindi kita kayang tiniisin dahil mahal kita, walang bunso sa pamilya ang hindi minahal ng bawat pamilya o ng tahanan.

sa aking mga PAMANGKIN, na ginawa kong inspirasyon para wag tumigil na lumaban sa buhay. kayo ang pangunahin kong lakas kaya nagtututloy ako , ayaw kong maranasan ninyo ang naranasan ko sa buhay ang maranasan ang hirap ng buhay sa murang edad.

sa aking mga TIYO at TIYA sa mga kapatid ng aking mga magulang na, salamat sa pagmamalasakit at pagmamahal sa aking mga magulang,

sa aking mga PINSAN, na nadama ko ang respeto at pagmamahal sa akin sa tuwing kamiy magkakasama dama ng bawat isa sa aming ang pagmamahal kahit walang salita na lumalabas sa aming mga bibig subalit nangungusap ang aming mga puso.


to be cont...

Happy 61st Nanay Minda

Sa taong nagbigay ng buhay sa aming pitong magkakapatid, naging mabuting asawa, ina at mapagkalingang lola sa mga apo... ang taong nagturo sa aking lumaban sa buhay, tumulong sa nangangailangan kahit mahirap ang buhay, nagbigay payo sa lahat ng sakit at pagkabigong naranasan, nag-aalaga sa tuwing kamiy may karamdaman.... nagturo kung paano magmahal at magpatawad, makuntento kung anong meron sa kasalukuyan at gawing kapakipakinabang ang buhay na pinahiram ni Lord ... sayo Mahal naming NanayAminda Mora Paycana Mahal na Mahal namin kayo at Maligayang Kaarawan ðŸ˜‡ðŸ’ŸðŸ’ŸðŸ’Ÿ

UNDAS 2017

Sa taong ito napagpasyahan kong hindi na muna umuwi sa aming bayan sa Lopez, Quezon dahil sa sama ng panahon (bagyong ramil) Kaya mas minabuti ko na dito na lang sa Laguna gunitain ang Araw ng Undas.

Araw ng martes Oktubre 31, 2017 ako pumunta sa Holy Family Cemetery sa Lungsod ng Calamba upang dalawin ang mga taong naging bahagi ng aking buhay sa kasalukuyan. Kapag dito sa Laguna ako inabutan ng Undas hindi pwedeng hindi ako dadalaw sa kanilang mga puntod upang magdasal at magpasalamat sa mga naidulot nilang kabutihan sa aking buhay at naging instrumento ito upang maging mas maayos at matatag akong indibidwal sa kasalukuyan.

Sa Holy Family Cemetery Calamba City dinadalaw ko dito ang mga kamag-anak ng aking Ama partikular kina Ate Rochelle, Lola Fermin, Mama Inyang, Uncle Jaime, Uncle Gil at kay Kua Meo. Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang mga kontribusyon nila sa aking buhay. 

Una, Si Ate Rochelle

ROCHELLE P. ORTEGA (15 years old)
January 4, 1977 - May 29, 1992

Si ate Rochelle ang bunsong anak ni Mama Inyang (Eugenia) at Papa Roger (Rogelio) at bunsong kapatid ni Ate Dimple (Rowena Gina P. Ortega-Gonzales Dating Manager sa Fujitsu at ngayon ay Manager na sa Toshiba Phils.). Bata pa ako nang makita ko sya noong pumunta kami sa Canlubang kasama si Tatay para sa pagdiriwang ng Pasko hindi ko na matandaan kung kilan yun., si ate Rochelle ang unang nawala sa mga kamag-anak namin sa Canlubang sa pagkaka alam ko graduating sya sa Highs School noon o nasa 3rd Year (Sta. Cecilia Catholic School) mahina ang kanyang puso ung ang dahilan ng kanyang pagkawala. sya ang unang nahimlay sa Holy family Cemetery at noong ako ay kinuha ni Mama Inyang halos twice a month kaming nadalaw sa sementeryo para dumalaw, maglinis at magdasal sa puntod ni Ate Rochelle sobrang mahal na mahal sya ni Mama Inyang at lagi sya lumuluha kapag naalala nya ang pagkawala ng kanyang bunsong anak.

Ikalawa, Si Lola Fermin

FERMINIA P. PADUA (89 years old)
November 25, 1910 to December 20, 1999

Sya ang dahilan kung bakit ako napapunta sa Bo. Happy Valley Canlubang Calamba, Laguna, dahil inalagaan sya ng aking Ina, si Nanay  na ang nag alaga dahil may edad o katandaan it,  tinanggap ito ng aking Ina dahil sa hirap ng buhay at may kaukulang maliit na halagang kapalit bilang tagapag alaga, kaya naman lumuwas sina Nanay mula sa aming bayan sa Lopez, Quezon, kasama ang dalawa kong kapatid na bunso (Antang at Botog) papunta sa Canlubang kaya habang nag aalaga si Nanay kay Lola ay nag-aaral naman si Antang sa Canlubang Elementary School noon, bata pa noon si Botog hindi pa nag-aaral ng panahong iyon, marahil kung hindi inalagaan ni Nanay si Lola Fermin hindi  kami nakarating ng Canlubang at nakilala ko ang mga kamag-anak ng aking ama sa side ng kanyang ama (Paycana) hanggang sa pumanaw na si Lola.

Ikatlo, Mama Inyang

EUGENIA P. ORTEGA (68 years old)
January 4, 1937 - May 15, 2005

Si Mama Inyang ang taong naging dahilan kung bakit ako nakapag-aral ng High School dito ako dinala ng aking ama para makapag-patuloy ng pag-aaral, Si Mama Inyang ay tiyahin ng aking ama, at asawa ni Papa Roger, magulang ni Ate Dimple, Pinag-aral nila ako mula noong 1st Year High sa Majada In National High School, 2nd Year sa Camp Vicente Lim National High School

to be continue.....






MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...