Sa taong ito napagpasyahan kong hindi na muna umuwi sa aming bayan sa Lopez, Quezon dahil sa sama ng panahon (bagyong ramil) Kaya mas minabuti ko na dito na lang sa Laguna gunitain ang Araw ng Undas.
Sa Holy Family Cemetery Calamba City dinadalaw ko dito ang mga kamag-anak ng aking Ama partikular kina Ate Rochelle, Lola Fermin, Mama Inyang, Uncle Jaime, Uncle Gil at kay Kua Meo. Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang mga kontribusyon nila sa aking buhay.
Una, Si Ate Rochelle
ROCHELLE P. ORTEGA (15 years old)
January 4, 1977 - May 29, 1992
Si ate Rochelle ang bunsong anak ni Mama Inyang (Eugenia) at Papa Roger (Rogelio) at bunsong kapatid ni Ate Dimple (Rowena Gina P. Ortega-Gonzales Dating Manager sa Fujitsu at ngayon ay Manager na sa Toshiba Phils.). Bata pa ako nang makita ko sya noong pumunta kami sa Canlubang kasama si Tatay para sa pagdiriwang ng Pasko hindi ko na matandaan kung kilan yun., si ate Rochelle ang unang nawala sa mga kamag-anak namin sa Canlubang sa pagkaka alam ko graduating sya sa Highs School noon o nasa 3rd Year (Sta. Cecilia Catholic School) mahina ang kanyang puso ung ang dahilan ng kanyang pagkawala. sya ang unang nahimlay sa Holy family Cemetery at noong ako ay kinuha ni Mama Inyang halos twice a month kaming nadalaw sa sementeryo para dumalaw, maglinis at magdasal sa puntod ni Ate Rochelle sobrang mahal na mahal sya ni Mama Inyang at lagi sya lumuluha kapag naalala nya ang pagkawala ng kanyang bunsong anak.
Ikalawa, Si Lola Fermin
FERMINIA P. PADUA (89 years old)
November 25, 1910 to December 20, 1999
Sya ang dahilan kung bakit ako napapunta sa Bo. Happy Valley Canlubang Calamba, Laguna, dahil inalagaan sya ng aking Ina, si Nanay na ang nag alaga dahil may edad o katandaan it, tinanggap ito ng aking Ina dahil sa hirap ng buhay at may kaukulang maliit na halagang kapalit bilang tagapag alaga, kaya naman lumuwas sina Nanay mula sa aming bayan sa Lopez, Quezon, kasama ang dalawa kong kapatid na bunso (Antang at Botog) papunta sa Canlubang kaya habang nag aalaga si Nanay kay Lola ay nag-aaral naman si Antang sa Canlubang Elementary School noon, bata pa noon si Botog hindi pa nag-aaral ng panahong iyon, marahil kung hindi inalagaan ni Nanay si Lola Fermin hindi kami nakarating ng Canlubang at nakilala ko ang mga kamag-anak ng aking ama sa side ng kanyang ama (Paycana) hanggang sa pumanaw na si Lola.
Ikatlo, Mama Inyang
EUGENIA P. ORTEGA (68 years old)
January 4, 1937 - May 15, 2005
Si Mama Inyang ang taong naging dahilan kung bakit ako nakapag-aral ng High School dito ako dinala ng aking ama para makapag-patuloy ng pag-aaral, Si Mama Inyang ay tiyahin ng aking ama, at asawa ni Papa Roger, magulang ni Ate Dimple, Pinag-aral nila ako mula noong 1st Year High sa Majada In National High School, 2nd Year sa Camp Vicente Lim National High School
to be continue.....

No comments:
Post a Comment