Paano kita mapapaSALAMATan!

Sa daming tumulong sa akin para mabuhay ako sa mundong ito bukod sa pamilya ko ang dami ko palang dapat pasalamatan subalit hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatan...

Salamat......

sa PANGINOON na gumawa ng lahat dito sa mundo...

sa aking LOLO AT LOLA, kundi dahil sa inyo wala akong magpagkalingang mga magulang
sa aking INA na nagluwal sa akin sa mundong ito...
sa aking AMA na katuwang ng aking INA para maisilang at mabuhay ako sa mundong ito...
sa aking mag KAPATID ....

kay ate MARISSA, bilang panganay sa amin na nagsilbing inspirasyon ko para maging mabuting tao at magsikap nakita ko ang kanyang paghihirap para mapaglaban ang buhay, nakita ako ang prinsipyo at paniniwala na malaking tulong sa aking maging isang mabuting mamayan.

kay ate MARIEL, isang matapang na tao maraming hamon pero alam kong sa puso nio mahal na mahal nia kami bilang pamilya nia, hindi ako sumuko na darating ang araw na muli ka naming makakasama.

kay manoy DON-DON, bilang panganay na lalaki na maraming pangarap may mabuting puso at lumuluha sa tuwing may nangyayari sa aking masama partikular sa aking kalusugan, hindi pinapakita sa akin na nasasaktan sya sa mga nangyayari sa aking buhay subalit dama ko ang iyong pag-aala sa akin.

kay manoy AYAN, alam kung mahal mo rin ako akala mo hindi ko naramdaman un pero alam ko kung paano mo ako ipaglaban,

kay ANTANG, kahit nong unan masama ang loob ko kc nag asawa ka agad subalit alam ko naman na najan ka palagi sa akin para akoy damayan.

kay BOTOG bilang bunso namin tahimik pero alam kong mahal mo ang pamilya natin, alam kung marami kang hinanakit pero alam mong hindi kita kayang tiniisin dahil mahal kita, walang bunso sa pamilya ang hindi minahal ng bawat pamilya o ng tahanan.

sa aking mga PAMANGKIN, na ginawa kong inspirasyon para wag tumigil na lumaban sa buhay. kayo ang pangunahin kong lakas kaya nagtututloy ako , ayaw kong maranasan ninyo ang naranasan ko sa buhay ang maranasan ang hirap ng buhay sa murang edad.

sa aking mga TIYO at TIYA sa mga kapatid ng aking mga magulang na, salamat sa pagmamalasakit at pagmamahal sa aking mga magulang,

sa aking mga PINSAN, na nadama ko ang respeto at pagmamahal sa akin sa tuwing kamiy magkakasama dama ng bawat isa sa aming ang pagmamahal kahit walang salita na lumalabas sa aming mga bibig subalit nangungusap ang aming mga puso.


to be cont...

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...