Ang Kasalukuyan!

Masyadong malala ang kasalukyan, tila napakalaking panghihinayang ang aking naramdaman.
Nanatili ako sa kalagayang hindi ko naisip na mangyayari ang kasalukuyan.
Ang dami kong pinabayaan at mga oportunidad na sinayang.
Dahil sa pinili kong kasalukuyan.

Hindi na nga mababago ang ang kasalukyan.
Ang solusyon na lang ay magpaagos at sumayaw.
Mahigi't kumulang walong taong tila pinaglaruan.
At sa dulo nagkaroon ng iwanan.

Kasalanan ko din naman
Nagpadala ako sa pansamatalang kasiyahan,
Natakot na umabante ng mas malaking hakbang at
Nasiyahan kung anong meron na lang.

Para akong kandilang nauupos
Sa tuwing hahakbang,
Mala-kandila akong kanilang hinipan
Na gustong gusto na nilang mawala ang liwanag na aking taglay.

Nawala ang inspirasyon at pagmamahal,
Napalitan ng galit at poot
Ramdam ko na ako'y dinaya at pinagsamantalahan
Nilaspag ang lakas ko at karunungan.

Kagya't nawala ang mga tunay na kaibigan,
Ang tunay na tao, na iyong pinagkatiwalaan,
Sila pa pala ang unang sasaksak sa iyong likuran,
Pero pili ka pa ring ngingiti sa kanilang harapan.

Mapaglaro ang tadhana,
Walang permante,
Walang Totoo,
Traydor!

Isang malaking pagkakamali ang magtiwala,
Tiwalang kay dali mong binigay
Binigay na walang pinagsaalang-alang
Alang-Alang sa isang panandaliang pagkakilala.

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...