Pagpasok ng Bagong Taon 2018, ang pasasalamat sa panibagong yugto ng aking buhay dito sa mundo, pasasalamat sa lahat ng mga biyayang natanggap ko sa taong 2017, pasasalamat hindi lang sa mga biyaya maging sa mga pagsubok na aking hinarap sa 2017, dahil naging matatag ako at napaglabanan ko ang laban ng 2017.
Isang madamdaming pagtanaw sa nakaraang 2017 ang aking binalikan kung ano ang mga bagay na nagawa kung mga tama at mali sa buhay, mga desisyon na nagbigay ng malaking partisipasyon ko buhay upang maihakbang ko ang aking mga paa sa kinabukan.
Maraming magagandang alaala sa akin ang 2017 nagpapahayag ng isang panibagong pag-asa, dumanas ako ng ibat-ibang damdamin saya, lungkot at hirap subalit tiniyak ko na sa bawat saya, sa bawat lungkot at sa bawat hirap na aking nararanasan sa pang araw-araw na buhay dapat ipagpasalamat ko pa rin dahil nararanasan at nararamdaman ko ang mga bagay na iyon, kc para sa akin bigay un ng Panginoon na dapat kung pagdaan at dapat kung paglabanan.
Ngayong 2018, nawa'y patuloy akong lumaban at patuloy na humakbang sa kahit saang daan ng buhay maaring mahirapan akong humakbang subalit uutay-utayin ko ito upang makarating ako sa dulo ng naisin kong destinasyon.
Kasabay ng pagdiriwang ng bawat tahanan sa pagsapit ng bagong taon ang taimtim na panalangin sa Panginoon ng mas maayos at mas maginhawang bukas.
Karanasan sa buhay dito matapang na itatala!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MARCH 2021
March 1, 2021 - Monday Morning Meeting Email Checking and Printing of Applicants Resume Face-To-Face and Phone Call interview Examinatio...
-
MENSAHE HARREL M. PAYCANA Panauhing Pandangal at Tagapagsalita 52nd Commencement Exercises, Vegaflor Elementary School Ver...
-
Polytechnic University of the Philippines MASTER IN PUBLIC ADMINISTRATION Open University System, Lopez Campus Lopez, Quezon ...
-
Handog na Tula para kina: Lanslieshai Lee Wong at Halida Dian Jarin Dian Ami KASIYAHAN SA IYONG KAARAWAN Ni: Harrel M. Paycana Dalawang...
No comments:
Post a Comment