Dugtungan sa Walang Patutunguhan!

Mas mabuti pang makipag-usap sa multo,
Multong pwede mong kausapin ng totoo, 
Totoo kesa sa pekeng tao,
Tao sa panlabas, Hayop sa panloob. 

Panloob na di maaninag ang tibok ng puso,
Pusong pwedeng makabuhay at makamatay,
Makamatay ng kasalukuyan at makabuhay ng nakaraan,
Nakaraang di mo na mababawi sa kasalukuyan. 

kasalukuyang kailangang magpapakatatag,
Tatag para sa sarili, upang di ka agad bawian,
Bawian ng katinuan dahil, Baliw ka sa kinabukasan,
Kinabukasan na gustong-gusto mong makawala.

Makawala sa mga taong nakapaligid,
Nakapaligid na ayaw mong iwan nang di mo alam ang dahilan, 
Dahilan upang di mo alam kung lalaban o tatalikod na lamang,
Lamang at talagang kailangan kaya pakikisama'y tila plastikan. 

Plastikan ang labanan upang manatiling buhay,
Buhay na gusto mo pang dugtungan, 
Dugtungan upang maalintana ang kanilang kasiyahan, 
Kasiyahan na gustong gusto nila pag ikaw ay nawalan.

Nawalan ka ng lakas,
Lakas na ginamit mo para maging malakas sila,
Silang ginamit ka upang tuluyan kang manghina, 
Hinang inaabangan nila para mapag-usapan ka. 

Mapag-usapan ang mga bagay na sa kanila ay nagbibigay galak,
Galak na nagbibigay lakas sa kanila'y mala-bitamina, 
Bitamina ng kanilang itim na puso, 
Pusong di totoo , pusong itim. 

Itim na puso, nilamon sila ng kulay ng dilim, 
Dilim na walang ningning, ni anino di mo makikita,
makikita mo lang ang iyong sarili,
Sariling kulay itim dahil mas pinili ang ITIM sa puso mo!


No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...