Asan na sila nagsabi na handang tumulong sa problema ko.
Nakita nila ang aking kalungkutan at pagluha
Ang pananahimik ko'y nagbigay ng babala
Napagtanto na walang karamay na aking aasahan
Ang bawat isang sa aki'y nakapaligid,
Taglay ang matang mapaghusga sa pinagdadaanan sa tuwina
Isip koy nalilito sa nais mangyari sa buhay ko
Lakas ng aking paniniwala, kung kakayanin ko pa ba ito
Ilang luha pa kaya ang papatak sa aking mga mata.
Sa aking pag-uwi dala ko pa rin ang kalungkutan,
Ang bigat ng aking kalooban at madaming katanungan.
Kawalan ng motibasyon na magpatuloy,
Ang kabiguan ang tulungang lumamon sa aking kalakasan
Lumalakad ang araw na walang patutunguhan,
Utak koy di na kontrolado,
Nagbabadya ng di magandang pangyayari
Galawang di ko matanto
Kung makakabuti sa pangkalahatang aspeto.
Uunahin ko ba ang sarili kong kasiyahan?
Tatalikuran ko na ba ang misyon kung makapaghatid ng pag-asa?
Alam ko ang sigaw ng aking isip at puso,
Ngunit hanggang kilan ko makakaya ang kasalukuyang pighati!
o mas pipiliin kong manatili sa kalungkutan..........?
No comments:
Post a Comment