Silang bukod na pinagpala!

Silang bukod na pinagpala ng lahat ng biyaya ay sobrang nakakatuwa, tila ba nalunod na sa kasiyahan dulot ng pagpapala, hindi alintana kung bakit nila nakuha, nawala ng kasaysayan kung anong kanilang kinahitnan. Nawa;y kanilang mapangalagaan ang yaman ng kanilang nakuha upang manatili ito at di na mawawala. kung minsan nalilimutan na kung bakit nabigay ang pagpapala dahil sa kapangyarihan na taglay ng kasalukuyan, isang kahibangan sa iba subalit di mo masisisi kung sa panandaliang sandali kasiyahan ang mamutawi, dahil sa walang katapusang hirap ng karanasan, kaya ninanamnam ang kasalukuyan. Lahat tayo ay pantay pantay sa mundong ibabaw, pantay na mabuhay, pantay na mangarap para sa naisin nating buhay, kung ang papel mo sa mundo ay maging mayaman o maghirap alalahanin mo na parti ka pa rin ng mundong ito. May mga taong di natatanggap kung ano nangyari sa kanila pero patuloy na nakikibaka sa buhay, meron namang mga taong tinanggap na ang kasalukuyan at nagpalamon na sa sistemang ginagalawan, meron namang taong positibo ang pananaw, laban lang laban! May mga pagkakataon na maiisip mo sa aking kasalukyang kalagayan masasabi mo ba na isa akong pinagpala, pinagpala ng maraming pagkakataon, kabiguan, pighati, pag-asa o tagumpay, ngunit san nga ba natatapos ang paglalakbay ng isang tao sa mundo sa pagtigil ba ng hininga, sa pagtigil ba ng pag hakbang pasulong sa isang destinasyon, ito ba ang katapusan o ito palang talaga ang simula.


Sa paglalakbay ng aking kaisipan ay nababanag ko mas maayos na kinabukasan isang malayang damdamin na magbibigay ng kalayaan sa aming malayang kaisipan, ang pagbibigay ng maraming pagkakataon sa atin ay upang bigyan tayo ng maraming oportunidad, oportunidad upang mas mauunawaan at makaya natin ang hinaharap.

Sa kasalukuyan panahon malinaw na hindi ko alam ang pamantayan ko sa kaligayahan at tagumpay, hindi ko halos makita ang pagkakaiba ng paglaban at pagsuko, tila isang pagtigil sa mundo at mawari ko sa aking sarili para san ba at akoy humakbang, para saan nga ba aking laban... para sa kanila, para sa akin, para nga ba kanino.?

itutuloy....

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...