Subalit sa tuwing nanghihina ako di ko kayang tumigil, natatakot akong makain ng aking kahinaan, ang solusyon ko ay dasal at kausapin ang sarili, alalahanin ang mga bagay na napagdaanan ko mga hirap at tagumpay na aking nalampasan sa aking desisyon na tumigil na sa kasalukuyan.
Malayo layo na rin naman ang aking nilakbay, ang dami ko na ring pinasan sa aking buhay na pinilit kung kayanin na buhatin upang humakbang patawid sa kung saan ako nakalagay.
Minsan naiisip ko kung ang lahat kaya ng pinadaanan ko sa buhay ay pinadaanan din nila, katulad ko rin kaya sila na matapang na lalabang at haharapin din o baka sumuko na sila dahil ang hirap hirap ang bigat bigat.
Sa tuwing nararamdaman ko ang panghihina, naiiyak ako bakit di ko maibalik ang dating ako ang dating lakas ko na nagagamit ko upang masigla kong harapin ang maghapon na puno ng positibong pananaw sa buhay.
Ano nga ba ang nagyari sa akin, bakit ba ako nandito at nanghihina, di ba dapat naging lakas ko mismo ang sarili ko, pero bakit parang gusto nang tumigil humakbang, bakit parang wala na akong kabuluhan na magpatuloy pa ng laban, umiikot na ba ako sa ganito?.... o sinadya kong mangyari ito sa akin?.... Tama marahil sinadya ko nga ito.
Hinayaan ko na ang sarili ko na ganito na lamang ako, inilayo ko ang sarili ko sa kapwa ko, nagsarado ako ng pinto at bintana sa gustong pumasok at sumilip sa buhay ko. Ako ang lumayo sa makulay na mundo ko at mas pinili ako dilim na walang makitang liwanag, walang musika, walang sinag na nanggagaling sa langit, pawang ang mga hikbi ng aking pagluha ang aking naging musika, tila ang mga luha ang naging kaakibat ko para mabasa ang aking katawan, walang sinag na maaninag ang aking kasalukuyan. subalit kapag tinatawag ko ang pangalan ng ating Panginoon nabibigyan muli ako ng liwanag, ng sigla ng pag-asa subalit parang panandalian lang, di ko makontrol ang sarili ko sa mga bagay bagay na di ko maipaliwanag kahit iba ang sinasabi ng aking puso. Bakit ganito ang aking nararamdaman, bakit ganito ang aking kalagayan.
Ang daming tanong, ano ba ang mali sa akin, lahat ba mali, napakasama ko bang tao?, wala ba akong nagawang mabuti sa kapwa ko bakit ako nagkaganito, alam kong hindi ako dati ganito, hindi ako ito. ....
Muli kong babalikan ang tanong sa isang komersyal, Para san ka ba bumabangon?... dati kaya kong sagutin ito, dati alam ko kung anong punto ko, alam ko ang nais ko at agad kong nasasagot ang katanungan ito, pero sa ngayon dito ko na masagot wala akong alam na sagot, natitigilan ako kung bakit nga ba ako nabubuhay sa mundo ito o para san nga ba ang pagbangon ko sa araw-araw.
Alam kung isang biyaya ang pagbangon sa araw-araw, isang naka gandang pagpapala ang binibigay sa atin kapag muli tayo ay nakakabangon sa kina-umagahan at makakapag umpisa muli ng panibagong araw. Hindi naman ako nakakalimot tumawag, subalit bakit para ang layo layo ko sa paniniwala ko na lahat ng bagay ay may dahilan dahil lahat ng bagay ay kalooban ng Panginoon sa atin, malayo nga ba ako o pakiramdam ko lamang ito, naniniwala ako na katabi lang natin ang Panginoon, oo alam ko un at lumuluha ako kc alam ko ang bagay na ung subalit bakit nakaka singit sa aking isip ang mga bagay na negatibo patungkol sa aking buhay at ito ang sanhi ng aking kahinaan, at kapag hinayaan ko ito ang bawat araw sa akin ay tiyak kong kahinaan sapagkat ang kahinaan mismo ang niyakap ko.
itutuloy!
No comments:
Post a Comment