Pagmamahal at Pagtitiwala

Gamit ang paniniwala at pagtitiwala sa kanya na may isang taong muling darating sa aking buhay upang magparamdam ng pagmamahal, pagmamahal na nagmumula sa puso at dumating nga sa sa aking buhay, opisyal na pumasok kami sa isang relasyon buwan ng Pebrero 23 taong 2019 araw ng Sabado. Mula sa kalakhang Maynila pumunta sa aking munting tahanan upang ipahayag ang kanyang pagmamahal, sa aming mga sarili ay siguradong pareho kaiming nagmamahal kaya binigyan namin ng pagkakataon sa isang opisyal na relasyon.

Pareho naming hiniling ang aming pagtatagpo, ipinagdasal kaya naman di ako natakot na muling magmahal dahil walang mali sa pagmamahal na aking naramdaman. Bumuo kami ng magagandang alaala at karanasan mas kinilala pa namin ang aming mga sarili, pinag usapan ang mga hakbangin at pamamaraan upang mapanatiling mayabong ang aming relasyon. 

Sa kabilang banda ang pagtanggap sa aming mga kahinaan ay naging sandata upang aming maging kalakasan sa isang relasyon na sasabak sa isang hamon o ibang uri ng relasyon. isa lang ang sigurado sa amin nagmamahalan at sa bawat kumpas ng kamay, tingin ng mata , salitang binibitawan ng aming mga labi ay aming pinapatibay, nasabi naman sa aming mga sarili na kakayanin natin ito dahil matagal na natin itong pinagdasal at ngayon ay dumating kaya di natin pwedeng hayaan na mawala pa ang ganitong uri ng pagkakataon .

Babe! isang salitang napakalalim ng pakahulugan isang pagmamahal at pagrespeto sa aming tapat na pagmamahalan. walang sawang magsasabi ng pagmamahal at pagpapaalala na walang iwanan at lahat ng bagay ay napag uusapan. 

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...