Tula sa Kaarawan - LQDFG

Handog na Tula para kina: Lanslieshai Lee Wong at Halida Dian Jarin Dian Ami

KASIYAHAN SA IYONG KAARAWAN
Ni: Harrel M. Paycana

Dalawang Kababayan, nagdiriwang ng kaarawan.
Pagmamahal na Pagbati  kasama ng mga ngiti sa labi,
Dagdag na bilang para sa Taong kasalukuyan,
Pasasalamat sa Diyos na makapangyarihan.

Samahang Lopez Quezon Diwata Friends Group ang ngalan,
Nagbibigay daan upang mabigyan ng kasiyahan,
Ang katulad ng dalawang nagdiriwang ng kaarawan,
Handog ang regalong dinadaan sa tulaan.

Isang karangalan ang bumati sa inyong kaarawan
Gamit ang kataga, mga letra sa salita at wika,
Tunay naming nararamdaman  nilalapat sa tula,
Isang patunay na pagmamahal sa kapwa kababayan,

Kasabay ng iyong pagdiriwang,
Huwag mo sanang kalimutan na pasalamatan,
Ang mga magulang at pamilyang palaging nakaagapay,
Dahilan kung bakit nakarating ka sa iyong kinalalagyan.

Maayos na kalusugan, masayang buhay, at mapayapang kaisipan,
Ilan lamang sa mga kahilingan sa iyong kaarawan,
Subalit ang pinaka makapangyarihan ay ang patuloy na pagdarasal,
Sa Panginoong Diyos natin iaalay lahat ng mayroon sa ating buhay.

Kaibigan, muli mong balikan at pasalamatan
Lahat ng taong may kaugnayan sa iyong kasalukuyan,
Gawing aral ang nakaraan, gawing inspirasyong ang kasalukuyan
Sa kinabukasan patuloy kang humakbang na may Pakinabang.

Karapatang-ari © 2019 ni Harrel M. Paycana
Reserbado ang lahat ng Karapatan
 Hulyo 26, 2019, Lungsod ng Sta. Rosa
♥️♥️♥️🎂🎂🎂🙏🙏🙏


No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...