11 Pebrero 2020, Pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes at Pandaigdigang Araw ng mga Maysakit
Pasasalamat sa Panginoon sa biyaya ng buhay na kaloob sa akin, ang pagbibigay ng buhay sa araw-araw upang makagampan ko sa tungkulin bilang anak mo na patuloy na nabubuhay dito sa mundo, isang malaking biyaya mula sayo aming Panginoon.
Patawad sa aking mga kasalanan , sa aking mga kahinaan na nagdudulot sayo ng pasakit at paghihirap, ako Panginoon ay paulit-ulit na na humihingi ng kapatawaran sa aking paulit-ulit na pagkakasala.
Panginoon alam ko na hindi ako karapat-dapat subalit ako ay buong pusong sumasampalataya sayo na ang aking mga kahilingan ay iyong naririnig at sa tamang panahon at pagkakataon ay iyong diringin dahil kayo ang nag iisang Panginoon naming lahat.
Idinadalangin ko po sayo Panginoon ang lahat ng kahilingan ng aking puso hindi lamang para sa aking sarili kundi ng lahat ng nabubuhay sa mundong inyong pinagkaloob sa amin bilang iyong anak at likha mula sa iyong pagpapala.
Sa inyo ko po itinataas ang lahat ng aking mga pasanin sa buhay, kayo po ang manguna sa aking isip at puso, upang patuloy akong maging karapat-dapat sayo.
Sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Lourdes patungo sa iyong Amang Dakila at aming Panginoon sa pamamagitan ng iyong anak na Hesus naway dinggin mo ang aking personal na kahilingan tulad ng mga sumusunod:
1. Para sa aking mga magulang sa aking Nanay at Tatay, naway bigyan ng mahabang buhay at maayos na kalusugan, naway maging matibay po sila na harapin ang lahat ng suliranin sa aming pamilya, ilayo mo sila sa anumang pangamba at panganib pag-alabin mo po ang kanilang puso sa pagmamahal sa isat-isa, ang kanila pong dalahin naway inyong pagaanin at alisin ang mga problema lalo na sa aspeto ng kalusugan.
2. Sa aking Lolo Apay, itinataas ko po sa inyo naway patuloy ninyo syang patnubayan sa pang araw-araw na buhay. sa kanyang edad sa kasalukuyan humihiling po ako ng panibagong lakas upang sya ay maging masigla sa araw-araw.
3. Sa aking mga kapatid at mga pamangkin:
Pagalingin mo po siya sa kanyang karamdaman ibigay mo po sa kanya ang tatag ng kalooban na makaya at malabanan ang lahat ng mga pagsubok , Naway gabayan mo po sya sa kanyang trabaho at kalusugan upang makapagbigay ng biyaya sa kanyang pamilya at mahal sa buhay, naway gabayan nio ang kanyang pag-aaral ilayo po sya sa lahat ng panganib at naway makapagtapos sya ng kanyang pag-aaral upang makatulong sa kanyang sarili, pamilya at mga mahal nia sa buhay, sa kanyang maayos na kinabukasan at maayos na kalusugan , Panginoon alam ko pong hindi kami lagi nagkikita, patnubayan mo po sya at iligtas sa anumang kapahamakan sa buhay, naway maging maayos ang kanyang kalusugan at kabuhayan upang maipagpatuloy nia ang kanyang misyon dito sa mundo. Panginoon dinggin mo po ang kanyang kahilingan , makatapos sa pag-aaral at pagibayuhin ang pananampalataya sayo Panginoon, maging mabuting anak at matupad ang pangarap para sa pamilya. maging mabuting anak at patuloy na bigyan ng maayos na pananaw sa buhay at kalusugan , maging responsabli sa lahat ng bagay. pagalingin mo po panginoon ang anumang hindi magandang nararamdaman ng kanilang katawan at puso, lumaki silang maayos na bata at makatulong sa lahat lalot higgit sa Pamilya. alisin mo po ang galit sa kanilang puso.
4. Sa aking mga Kaibigan, Kamag-anak, at kasamahan:
Kayo po ang higgit na mas nakakakilala sa amin, ang mabuting hiling ng aming puso naway inyong dinggin, patnubayan mo po sila sa kanilang araw-araw na na pamumuhay. bigyan mo po ang bawat isa sa amin ng kapayaan ng isip at puso, alisin ang galit na nagbibigay ng pagdurusa sa amin. Ang bawat karamdaman na nararamdaman ng aming katawan naway inyong pagalingin at patuloy na bigyan ng pagpapala upang makapaglingkod sa iyo.
-sa buong bansa sa mundo, bigyan mo po kami ng maayos na mga namumuno, at mga taong makakatulong upang malampasan ang mga pagsubok ninyo sa amin tulad ng mga kalamidad at sakit na nararanasan namin, bigyan mo po kami ng ilaw upang makita ang solusyon sa lahat ng problema na aming kinakaharap.
Panginoon ang aking sarili at buhay ay patuloy kung sa inyo pinagkakatiwala, kayo ang higgit na nakakaalam ng mas makakabuti sa akin, kayo na po ang bahalang mag bigay ng panibagong buhay para sa akin, itinataas ko po sa inyo ang lahat ng aking pangamba bigyan nio po ako ng kapanatagan ng Puso at Isip, kayo Pangioon ang aking nagiisang Diyos na at ako po ay sumasampalatay sa iyo.
Amen
No comments:
Post a Comment