TULA NG PASASALAMAT AT
PAGMAMAHAL
Handog sa kaarawan ni Ma’am
Dina A. Marce
DINA ang pangalan ng Boss naming mahal
Kami’y laging busog sa pangaral at gabay,
Sa bawat usapan may mapupulot kang aral
Gamit sa panibagong yugto ng buhay.
Isang halimbawa ng mabuting tao
Tunay naming nakita sa iyong pagkatao,
Wala mang sabihin ngunit puso’y nakakaramdam
Sa anumang pangangailan ng iyong kasamahan.
Nagagalak kami sa puso mong kaloob at
Sa lahat ng
kabutihang sa ami’y idinulot,
Walang hanggang pasasalamat sa Puong Lumikha,
Isang tulad mo ay lubhang pambira.
Araw ng iyong pagsilang ngayon ay ipagdiwang,
Kasama ang lahat na sayo’y nagmamahal,
Biyayang kaloob ng Amang Dakila
Ang makasama namin ang kanyang likha.
Matapang na hinarap ang buhay at pagsubok,
Ginawang sandata ang hirap at saya,
Patuloy na humakbang at humarap sa kinabukasan,
Walang hamon na sinukuan.
Ang iyong kalinga sa kapuso’t kapamilya
Mistulang isang kapatid sa lahat ng
nakasalamuha
Aming tinginan kahit walang salitang nabitawan
Lubos na unawa ng pusong nagkakaintindihan.
Respesto at Pagmamahal laging nakalaan,
Maging sa tawanan at seryosong usapan,
Bahagi ng aming buhay ang paggalang,
Bilang isang idolo ng aming kasalukuyan.
Contribution mo’y sadyang makabuluhan
Sadyang gamit namin sa pang araw-araw
Pagsasabuhay ng iyong aral, dinadala hanggang
tahanan,
Aming binahabagi sa mga kaibigan.
Espesyal ka sa aming puso,
Palagi ka sa aming isipan,
Sa bawat sandali ng aming buhay
Isang Ma’am Dina Marce di naming kakalimutan.
Karapatang-ari © 2020 ni Harrel
M. Paycana
Reserbado ang lahat ng Karapatan
Enero 10, 2020, Lungsod ng Santa
Rosa, Laguna
No comments:
Post a Comment