Karanasan sa buhay dito matapang na itatala!
HENERASYON NG MAKABAGONG PAGLILINGKOD
TULONG SA PAGBABAGO
Mga minamahal kong kabababayan,
Pagbati!
Pormal ko pong ipinapaabot sa inyong tanggapan na ako po ay opisyal na makikilahok sa isang malinis at tapat na halalan ngayong darating na Mayo 10, 2010 bilang Kagawad ng Sangguniang Bayan ng Lopez, Quezon.
Ang atin pong bayan sa Lopez, Quezon ay mayroong 95 Barangay at mayroong bilang na 44,061 registered voters. Ang inyo pong lingkod ay isang Lider-Kabataan at isang aktibong mamamayan na naniniwala sa PAGBABAGO, PAGKAKAISA at PAKIKISANGKOT nais ko pong isulong at ipaglalaban ang pondo kada taon upang maging sapat at matutugunan ang mga batayang serbisyo na kailangan ng mamamayan, tulad ng TRABAHO, KALUSUGAN, EDUKASYON at higit sa lahat ang makabuluhang Ordinansa na may kinalaman sa mga mahihirap.
Ako po ay walang sapat na kakayahan upang magkaroon ng maayos na kampaya upang maiparating ko sa ating kababayan ang ating konkretong programa at pag-aalay ng sarili upang makapaglingkod sa bayan, dahil po dito ako po ay pormal na lumiham sa inyo upang humingi ng tulong pinansyal at material na bagay upang maging matagumpay ang aking isasagawang personal na kampanya sa ating bayan. Sa tulong po ninyo ay makakaroon ng katuparan ang aking programa at adbokasiya tulad ng Youth Development Program, Education and Environment Protection for Sustainable Development, kaagapay ang Health Care, Marketing & Micro-Business Financing, People’s Participation and Empowerment.
Ako po ay uamaasa sa inyong positibong pagtugon. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala at pagsuporta. Kasama po ninyo sa ako sa hangaring makapagbigay ng dekalidad na serbisyo publiko. Mabuhay po kayo!
Para sa kabataan at bayan,
HARREL M. PAYCANA
Candidate, Municipal Councilor Lopez,Quezon
Founder, Youth Progressive Society
296 Brgy. Danlagan Lopez,Quezon
harrelpres@yahoo.com
http://www.harrel-paycana.blogspot.com
(0910)562-6993 and (0927) 509-0 243

PROGRAMANG IPAGLALABAN
Youth Development Program
Pagbibigay ng programang pang-kaunlaran sa mga kabataan, pagkakaroon ng Lopez Youth Training Center katulong ang SK at ibang Civic-Organizations. Kasabay ang pagbibigay ng mga pagsasanay para sa paghubog ng kanilang kaalaman at talento, Sports Development Program, Livelihood, Pag-oorganisa ng mga samahan sa 95 barangay na may nakalaang programa sa pamahalaan tulad ng 4H Club, PYA, Community Red Cross Youth Council at iba pa. ilulunsad rin po natin ang Information Technology Awareness Program at gagawa ng paraang magkaroon ng Computer ang 95 barangay ng bayan ng Lopez.
Education and Environment Protection
Pagsasagawa ng Scholarship Foundation na tutulong sa mga kabataang may angking talino at talento na maipagpatuloy ang pag-aaral sa Mataas na Paaralan hanggang kolehiyo (PNU,PUP,Technical School (ALS/TESDA),Pagsuporta sa mga Gawain at Proyekto ng mga Paaralan maging sa pang publiko o pribado. Kasabay ang Pagbibigay ng ng malawakang kampanya at mga programa para sa proteksyon ng kalikasan, Pagsuporta at pagpapatupad ng mga batas at ordinansa na may kinalaman sa pag protekta sa kalikasan at kapaligiran upang mapigilan ang CLIMATE CHANGE.
Sustainable Development
Isusulong ang likas-kayang pag-unlad na may kinalaman sa pang matagalang kaunlaran, Palakasin ang kabuhayang Pansakahan at Pangisdaan . Bigyan ng sapat na programa ang pinaka malaking sektor ng ating bayan. Maglalaan ng karagdagang Pondo sa lahat ng samahang nangangailangan ng karagdagang pondo para sa kanilang pang kaunlarang proyekto.
Health Care
Titiyakin ang pagkakaroon ng sapat at libreng gamot, ang pagsasanay para sa primary health care, at ang pagtulong sa mga nangangailangan ng tertiary health care. Ibig sabihin, ipaglalaban niya na mailaan ang ilang bahagi ng pondo para sa gastusin sa mag trainings ng mga barangay Health Workers at BNS at sa pagbili ng mga gamot na palagiang kinakailangan ng ating mga kababayan.lalo’t higgit ng nakararaming mga Senior Citizens. Ganoon din ang pagsusulong sa mga Benipisyo ng mga Brgy. Tanod,Day Care Workers, Justice at iba pa. Pakikipag ugnayan sa Philippine National Red Cross para sa mga serbisyong kanilang ibinigay upang magkaroon ang ating mga kababayan.
Marketing and Micro-Business Financing
Makikipag ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng DTI at iba pang pribadong sektor upang magkaroon ng stable o matatag na pagdadalhan/bibili ng produktong gawa ng ating mga kababayan ganoon din sisikapin niya na magkaroon ng pondo bilang financial assistance sa mga maliliit na mamumuhunan kasama sa pakikipagtulungan ng mga kooperatiba at ibang institusyon . Sa gayon malaki ang maitutulong nito sa kanilang ordinaryong pamumuhay.
People’s Participation and Empowerment
ang kapangyarihan ng Pamahalaan ay nasa mga tao. Dahil dito, titiyakin niya na may direktang konsultasyon sa mga tao ang lahat ng proyekto at sama-samang binabalangkas ang mga ito. Kasabay ang paglikha ng Policy and Legislative Advocacy Group upang magkakaroon ng madaliang konsultasyon sa mga proyektong may kinalaman sa kanilang mga hanay o sa kanilang sektor . Pantay na pagkilala sa papel at kontribusyon ng bawat isa ng lahat ng samahan sa ating bayan.
PRINSIPYO AT PANINIWALA
si Kuya HARREL M. PAYCANA ay isang Lider-Kabataan at isang aktibong mamamayan na naniniwala sa mga sumusunod:
HANGGAD AY PAGBABAGO –hindi maaalis sa atin na kailangan ng pagbabago sa pamahalaan upang matiyak ang kaunlaran at makapag bigay ng totoong serbisyo publiko.
MATATAG NA PAGKAKAISA – kailangan ng sama-samang pagkilos mula sa pagpapaplano hanggang sa pagpapatupad ng proyekto at may direktang konsultasyon sa pamayanan upang matiyak ang layunin nito ay para sa kapakinabangan ng lahat.
PAKIKISANGKOT – kailangan ang aktibong pagkilos at pakikisangkot sa mga bagay na may kinalaman sa Taong Bayan upang matiyak ang kaunlaran ay matatamasa ng lahat at higit ang mga may tunay na nangangailangan.
Ang ating pong mahalagang BOTO ay makagagawa ng isang tunay na kasaysayan sa ating minamahal na bayan sa pamamagitan ng pagpili ng TUNAY AT KARAPAT-DAPAT na magiging kinatawan natin sa Sangguniang Bayan. Ang kanya pong prinsipyo ay ang mga sumusunod:
1. Naniniwala siya na ang bawat isa ay MAHALAGA. Kailangang konsultahin ang mga mamamayan para sa mga proyekto. Sapagkat ang pagbabago ay makakamit lamang sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
2. Itinatakwil niya ang lumang polítika ng paggamit ng pera sa panahon ng halalan. Sa halip, itinataguyod niya ang isang bagong polítika ng PLATAPORMA at mga KONKRETONG PROYEKTO/ PROGRAMA para sa kapakanan ng Taong Bayan.
3. Ipaglalaban niya ang PONDO kada taon upang maging sapat at matutugunan ang mga batayang serbisyo na kailangan ng mamamayan, tulad ng TRABAHO, KALUSUGAN, EDUKASYON at higit sa lahat ang makabuluhang ORDINANSA na may kinalaman sa mga mahihirap.
Kailangan po natin ang isang katulad niya mayroong sapat na KAALAMAN, KARANASAN, PANAHON at DEDIKASYON . Ang kanya pong laban ay laban nating lahat. Hawak kamay po nating paunlarin ang BAYAN NG LOPEZ. Samahan po natin siya para sa laban ng susunod pang HENERASYON at ng ORDINARYONG MAMAMAYAN ng ating bayan.

TALAMBUHAY
MAIKLING TALAMBUHAY NI KUYA HARREL
IPINANGANAK sa Lopez, Quezon noong June 27, 1983. Ika- 5 sa pitong anak nina G. Ariel Arbolente Paycana Sr. isang magsasaka at kasalukuyang empleyado ng Alpsville Development Corporation at ni Gng. Minda Madera Mora isa ring magsasaka at kasalukuyang Barangay Kagawad at Pangulo ng SKL-KALIPI ng Barangay Vegaflor Lopez, Quezon. Ang kanyang mga Lolo at Lola ay sina Forperio Serrano Mora at Virginia Espejo Madera, Leonardo Opiana Paycana at Teodora Villaseñor Arbolente. Sila ay nanirahan sa Distrito ng Mahogany ( Rizal Rural, Villageda, Vegaflor) at Poblacion (Magsaysay, Danlagan). Mayroon siyang anim na kapatid sina: Marissa P. Berba, Mariel P. Ariengo, Ariel Jr., Ryan, Jessalyn P. Borbon at Arkey.
SIPAG ang kanyang puhunan, sa kabila ng kahirapan ginawa niyang lahat upang makapagtapos sa mas mataas na antas ng edukasyon. Nakapagtapos at nakakuha ng ibat-ibang karangalan at tungkulin tulad ng mga sumusunod: Don Emilio Salumbides Elementary School, 1996 ( Grade 5- 1st Honor sa Vegaflor Elem.), 1st -3rd HS-Camp Vicente Lim National High School Calamba City ( SBO President, Founder- Youth Progressive Society, Best in Oration, Finalist Mr. UN 2000, Student Leader of the Year), Quezon High School, 2001-2002 ( SBO President, Best in Filipino, History, Singing, Poem, Oration, CAT-Service Award, Pres. GMA Leadership Award, Delegate for Various Student Trainings, Conferences and Competition), Computer Science, Advance Technical Training Center, Calamba City, Laguna, 2002-2003 (Best in Typing), General Electronics, Quezon Provincial Training Center, 03-2004 (Over-All Chairman Batch 31), General Secretarial, PUP Open University, 2003-2004 ( PUP OU Student Council President, Best in Office Procedure, PUP Leadership Awardee, Finalist, Non-Degree Quiz-Bee & Skills Competition in PUP Manila),
Bachelor in Business Administration (BBA), PUP, Lopez, Quezon,2004-2008 (Congressional Scholarship Beneficiary, Cong. Erin Tañada III, PUP 2008 Most Outstanding Student Leader, PUPLSSC Leadership Award, Outstanding PUP COMELEC Chairman, Editor-In-Chief-The FOCUS, President-PUP College Red Cross Youth Council & Youth Progressive Society President-JMA Talent Center) at sa kasalukuyang nag-aaral ng Master in Public Administration (MPA) PUP Lopez, Quezon (27 units). Ito ay upang mas magkaroon ng pundasyon, maayos at organisadong pamantayan sa mabuting pamamahala sa bayan at pamayanan.
PINAGKATIWALAANG mamahala bilang isang produktibong empleyado ng mga Kompanya at ahensya, habang nag-aaral nagta-trabaho naging Crew-In-Charge sa Pasadeña Foods Corporation(Star Performer Award), Production Controller sa Jollibee Foods Corporation(Finalist-Jollibee Work Olympics), Administrative Assistant sa Lopez ARC Farmers Credit Cooperative (LAFCC) naging chairman siya ng Credit Committee at member ng Education Committee , Student Trainee sa Department of Trade and Industry (DTI), naging Account Supervisor din sya sa LIIP Food Processing Corporation, Biñan, Laguna at marami siyang natulungan mga kababayan para maka pag trabaho sa nasabing kompanya. Naglingkod sa loob ng isang taon sa pamahalaan sa ilalim ng tanggapan ni DPWH District Engineer Ronnel M. Tan bilang Administrative Staff/ Office Secretary, Department of Public Works and Highways (DPWH), 4th-District Engineering Sub- Office Gumaca, Quezon. Isang Kabataan na minsang pinagkatiwalaan upang maging kinatawan at lider ng ibat-ibang matataas na pinuno ng ating pamayanan maging sa lokal, panlalawigan at pang–nasyonal.
AKTIBONG kasapi ng ibat-ibang samahan siya ang Founder, Youth Progressive Society (YPS) of Lopez ,Quezon, Quezon-Provincial Vice-President ng Red Cross Youth Council (RCY), Core Group & Trainer ng Disaster Action Team at RED CROSS 143, Quezon -Provincial Focal Person, Philippine Rural Reconstruction Youth Association (PRRYA), sa kooperatiba kasapi siya ng Lopez Quezon Credit Cooperative (LQCC),Lopez ARC Farmers Credit Cooperative (LAFCC) Lopez-Gumaca Kalayan Credit Cooperative (LGKCC), myembro din sya ng Lopez Non-Governmental Organization for Sustainable Development (LONGSUD), Philippine Junior Marketing Association (PJMA), PUP & QHS Alumni Association, Kabataang Pilipinong Makabayan (KAPIMA), Quezon Yahoo Groups, Philippine Young Blogger Society, CFC-Singles for Christ, PREX – KaPAROKYA at iba pa.
Subscribe to:
Posts (Atom)
MARCH 2021
March 1, 2021 - Monday Morning Meeting Email Checking and Printing of Applicants Resume Face-To-Face and Phone Call interview Examinatio...
-
MENSAHE HARREL M. PAYCANA Panauhing Pandangal at Tagapagsalita 52nd Commencement Exercises, Vegaflor Elementary School Ver...
-
Polytechnic University of the Philippines MASTER IN PUBLIC ADMINISTRATION Open University System, Lopez Campus Lopez, Quezon ...
-
Handog na Tula para kina: Lanslieshai Lee Wong at Halida Dian Jarin Dian Ami KASIYAHAN SA IYONG KAARAWAN Ni: Harrel M. Paycana Dalawang...