si Kuya HARREL M. PAYCANA ay isang Lider-Kabataan at isang aktibong mamamayan na naniniwala sa mga sumusunod:
HANGGAD AY PAGBABAGO –hindi maaalis sa atin na kailangan ng pagbabago sa pamahalaan upang matiyak ang kaunlaran at makapag bigay ng totoong serbisyo publiko.
MATATAG NA PAGKAKAISA – kailangan ng sama-samang pagkilos mula sa pagpapaplano hanggang sa pagpapatupad ng proyekto at may direktang konsultasyon sa pamayanan upang matiyak ang layunin nito ay para sa kapakinabangan ng lahat.
PAKIKISANGKOT – kailangan ang aktibong pagkilos at pakikisangkot sa mga bagay na may kinalaman sa Taong Bayan upang matiyak ang kaunlaran ay matatamasa ng lahat at higit ang mga may tunay na nangangailangan.
Ang ating pong mahalagang BOTO ay makagagawa ng isang tunay na kasaysayan sa ating minamahal na bayan sa pamamagitan ng pagpili ng TUNAY AT KARAPAT-DAPAT na magiging kinatawan natin sa Sangguniang Bayan. Ang kanya pong prinsipyo ay ang mga sumusunod:
1. Naniniwala siya na ang bawat isa ay MAHALAGA. Kailangang konsultahin ang mga mamamayan para sa mga proyekto. Sapagkat ang pagbabago ay makakamit lamang sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
2. Itinatakwil niya ang lumang polítika ng paggamit ng pera sa panahon ng halalan. Sa halip, itinataguyod niya ang isang bagong polítika ng PLATAPORMA at mga KONKRETONG PROYEKTO/ PROGRAMA para sa kapakanan ng Taong Bayan.
3. Ipaglalaban niya ang PONDO kada taon upang maging sapat at matutugunan ang mga batayang serbisyo na kailangan ng mamamayan, tulad ng TRABAHO, KALUSUGAN, EDUKASYON at higit sa lahat ang makabuluhang ORDINANSA na may kinalaman sa mga mahihirap.
Kailangan po natin ang isang katulad niya mayroong sapat na KAALAMAN, KARANASAN, PANAHON at DEDIKASYON . Ang kanya pong laban ay laban nating lahat. Hawak kamay po nating paunlarin ang BAYAN NG LOPEZ. Samahan po natin siya para sa laban ng susunod pang HENERASYON at ng ORDINARYONG MAMAMAYAN ng ating bayan.
Karanasan sa buhay dito matapang na itatala!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MARCH 2021
March 1, 2021 - Monday Morning Meeting Email Checking and Printing of Applicants Resume Face-To-Face and Phone Call interview Examinatio...
-
MENSAHE HARREL M. PAYCANA Panauhing Pandangal at Tagapagsalita 52nd Commencement Exercises, Vegaflor Elementary School Ver...
-
Polytechnic University of the Philippines MASTER IN PUBLIC ADMINISTRATION Open University System, Lopez Campus Lopez, Quezon ...
-
Handog na Tula para kina: Lanslieshai Lee Wong at Halida Dian Jarin Dian Ami KASIYAHAN SA IYONG KAARAWAN Ni: Harrel M. Paycana Dalawang...
No comments:
Post a Comment