Karanasan sa buhay dito matapang na itatala!
PROGRAMANG IPAGLALABAN
Youth Development Program
Pagbibigay ng programang pang-kaunlaran sa mga kabataan, pagkakaroon ng Lopez Youth Training Center katulong ang SK at ibang Civic-Organizations. Kasabay ang pagbibigay ng mga pagsasanay para sa paghubog ng kanilang kaalaman at talento, Sports Development Program, Livelihood, Pag-oorganisa ng mga samahan sa 95 barangay na may nakalaang programa sa pamahalaan tulad ng 4H Club, PYA, Community Red Cross Youth Council at iba pa. ilulunsad rin po natin ang Information Technology Awareness Program at gagawa ng paraang magkaroon ng Computer ang 95 barangay ng bayan ng Lopez.
Education and Environment Protection
Pagsasagawa ng Scholarship Foundation na tutulong sa mga kabataang may angking talino at talento na maipagpatuloy ang pag-aaral sa Mataas na Paaralan hanggang kolehiyo (PNU,PUP,Technical School (ALS/TESDA),Pagsuporta sa mga Gawain at Proyekto ng mga Paaralan maging sa pang publiko o pribado. Kasabay ang Pagbibigay ng ng malawakang kampanya at mga programa para sa proteksyon ng kalikasan, Pagsuporta at pagpapatupad ng mga batas at ordinansa na may kinalaman sa pag protekta sa kalikasan at kapaligiran upang mapigilan ang CLIMATE CHANGE.
Sustainable Development
Isusulong ang likas-kayang pag-unlad na may kinalaman sa pang matagalang kaunlaran, Palakasin ang kabuhayang Pansakahan at Pangisdaan . Bigyan ng sapat na programa ang pinaka malaking sektor ng ating bayan. Maglalaan ng karagdagang Pondo sa lahat ng samahang nangangailangan ng karagdagang pondo para sa kanilang pang kaunlarang proyekto.
Health Care
Titiyakin ang pagkakaroon ng sapat at libreng gamot, ang pagsasanay para sa primary health care, at ang pagtulong sa mga nangangailangan ng tertiary health care. Ibig sabihin, ipaglalaban niya na mailaan ang ilang bahagi ng pondo para sa gastusin sa mag trainings ng mga barangay Health Workers at BNS at sa pagbili ng mga gamot na palagiang kinakailangan ng ating mga kababayan.lalo’t higgit ng nakararaming mga Senior Citizens. Ganoon din ang pagsusulong sa mga Benipisyo ng mga Brgy. Tanod,Day Care Workers, Justice at iba pa. Pakikipag ugnayan sa Philippine National Red Cross para sa mga serbisyong kanilang ibinigay upang magkaroon ang ating mga kababayan.
Marketing and Micro-Business Financing
Makikipag ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng DTI at iba pang pribadong sektor upang magkaroon ng stable o matatag na pagdadalhan/bibili ng produktong gawa ng ating mga kababayan ganoon din sisikapin niya na magkaroon ng pondo bilang financial assistance sa mga maliliit na mamumuhunan kasama sa pakikipagtulungan ng mga kooperatiba at ibang institusyon . Sa gayon malaki ang maitutulong nito sa kanilang ordinaryong pamumuhay.
People’s Participation and Empowerment
ang kapangyarihan ng Pamahalaan ay nasa mga tao. Dahil dito, titiyakin niya na may direktang konsultasyon sa mga tao ang lahat ng proyekto at sama-samang binabalangkas ang mga ito. Kasabay ang paglikha ng Policy and Legislative Advocacy Group upang magkakaroon ng madaliang konsultasyon sa mga proyektong may kinalaman sa kanilang mga hanay o sa kanilang sektor . Pantay na pagkilala sa papel at kontribusyon ng bawat isa ng lahat ng samahan sa ating bayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MARCH 2021
March 1, 2021 - Monday Morning Meeting Email Checking and Printing of Applicants Resume Face-To-Face and Phone Call interview Examinatio...
-
MENSAHE HARREL M. PAYCANA Panauhing Pandangal at Tagapagsalita 52nd Commencement Exercises, Vegaflor Elementary School Ver...
-
Polytechnic University of the Philippines MASTER IN PUBLIC ADMINISTRATION Open University System, Lopez Campus Lopez, Quezon ...
-
Handog na Tula para kina: Lanslieshai Lee Wong at Halida Dian Jarin Dian Ami KASIYAHAN SA IYONG KAARAWAN Ni: Harrel M. Paycana Dalawang...
No comments:
Post a Comment