PASKO 2017

Muli na naman nating ipagdiriwang ang pagsilang ni Hesus Anak ng Ama. Bilang pagkilala sa napaka-dakila niang ginawa sa lupa upang ang lahat ay makarating sa kanyang kaharian sa langit.

Pagmamahal, pagbibigayan at pagpapatawad naka sentro ang aking pagdiriwang ng pasko.

Una pagmamahal, sa kabila ng nararanasang di maganda sa pang araw-araw na buhay marapat-dapat na taglayin ng bawat isa sa atin ang pagmamahal hindi lamang sa sarili, kundi sa mga taong nagmamahal din sa atin, subalit ang pinaka malaking hamon ay ang mahalin natin sa ating mga kaaway.

Ikalawa, Ang Pagbibigay, sa kabila ng napakaraming biyaya ang ating natatanggap maganda rin na tayo ay nakakapagbigay ng mga bagay bagay na maaring makatulong sa ating kapwa, hindi man sa pinansyal o materyal na bagay sa aspeto ng pagbibigay ng oras sa mga bagay na mas mahalaga upang makapagbigay ng ngiti sa bawat indibidwal na nakakasalamuha sa pang araw-araw na buhay. sa hirap ng buhay nasa dugo na natin ang kahit wala tayo at may lumapit kagyat tayong nakakatugon at nakakagawa ng paraan kapag alam ko na kailangan ka ng taong lumalapit sayo.

Pang huli ang Pagpapatawad, sa nagawa nating pagkakamali sa ating kapwa at sa mga nakagawa ng masama at nakasakit sa atin, marapat na ibigay natin sa atin sarili at sa kanila ang bukas loob ng pagpapatawad. walang perpekto sa mundo subalit kung tayo ay magpapakumbaba at uunawain ng mas malawak at mas malalim ang maraming bagay bagay malalaman natin ang tunay na kahalagahan ng salitang pagpapatawad.

Kasabay nito ang taimtim na panalangin natin sa Puong Lumikha upang sa gayon ay patuloy tayong gabayan sa mga gawain natin sa pang araw-araw, sa kabila ng ating nararanasang kasiyahan, kalungkutan at galit paminsan minsan huwag nawa tayong makalimot na manalangin at hinggin ang kanyang gabay upang mas makita natin ang daan patungo sa langit kasama ang ating Panginoon.

Madaming okasyon ang ipinadiriwang natin, Christmas Party doon, Christmas Party dito , bigay dito, bigay doon, pinaka masaya sa ating lahat ang makatanggap din ng regalo at makapagbukas nito, Naway ganun din sa ating mga buhay bukod sa mga regalong ating binuksan, sana matutunan din natin buksan ang ating puso at patuluyin natin ang ating Panginoon sa ating mga buhay, ilagay natin sya ating mga buhay at gawing sentro upang hindi tayo maligaw ng landas kung san ba natin nais na tumungo.

Maligayang  at Mapagpalang Pasko sa ating lahat, salubungin natin ang bagong Taon 2018 na panibagong pagkakataon upang mas makilala natin ang ating Panginoon.


-harrel :)

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...