Sa ARAW ng aking Panghihina

May sandaling pakiramdamdam ko'y hinang-hina, walang lakas, di malaman kung anong sanhi o pinagmulan, subalit talaga palang dumarating ang araw na ikaw ay manghihina sa maraming aspeto ng buhay sa pisikal, emosyonal at personal. Napakahalagang tanggapin sa sarili na hindi habang buhay ay may lakas, talagang darating ang araw ng aking paghihina..... ang panghihina ng katawan, ng isip, ng puso at kung ano-ano pang dapat manghina. 

Subalit sa tuwing nanghihina ako di ko kayang tumigil, natatakot akong makain ng aking kahinaan, ang solusyon ko ay dasal at kausapin ang sarili, alalahanin ang mga bagay na napagdaanan ko mga hirap at tagumpay na aking nalampasan sa aking desisyon na tumigil na sa kasalukuyan. 

Malayo layo na rin naman ang aking nilakbay, ang dami ko na ring pinasan sa aking buhay na pinilit kung kayanin na buhatin upang humakbang patawid sa kung saan ako nakalagay. 

Minsan naiisip ko kung ang lahat kaya ng pinadaanan ko sa buhay ay pinadaanan din nila, katulad ko rin kaya sila na matapang na lalabang at haharapin din o baka sumuko na sila dahil ang hirap hirap ang bigat bigat. 

Sa tuwing nararamdaman ko ang panghihina, naiiyak ako bakit di ko maibalik ang dating ako ang dating lakas ko na nagagamit ko upang masigla kong harapin ang maghapon na puno ng positibong pananaw sa buhay. 

Ano nga ba ang nagyari sa akin, bakit ba ako nandito at nanghihina, di ba dapat naging lakas ko mismo ang sarili ko, pero bakit parang gusto nang tumigil humakbang, bakit parang wala na akong kabuluhan na magpatuloy pa ng laban, umiikot na ba ako sa ganito?.... o sinadya kong mangyari ito sa akin?.... Tama marahil sinadya ko nga ito. 

Hinayaan ko na ang sarili ko na ganito na lamang ako, inilayo ko ang sarili ko sa kapwa ko, nagsarado ako ng pinto at bintana sa gustong pumasok at sumilip sa buhay ko. Ako ang lumayo sa makulay na mundo ko at mas pinili ako dilim na walang makitang liwanag, walang musika, walang sinag na nanggagaling sa langit, pawang ang mga hikbi ng aking pagluha ang aking naging musika, tila ang mga luha ang naging kaakibat ko para mabasa ang aking katawan, walang sinag na maaninag ang aking kasalukuyan. subalit kapag tinatawag ko ang pangalan ng ating Panginoon nabibigyan muli ako ng liwanag, ng sigla ng pag-asa subalit parang panandalian lang, di ko makontrol ang sarili ko sa mga bagay bagay na di ko maipaliwanag kahit iba ang sinasabi ng aking puso. Bakit ganito ang aking nararamdaman, bakit ganito ang aking kalagayan. 

Ang daming tanong, ano ba ang mali sa akin, lahat ba mali, napakasama ko bang tao?, wala ba akong nagawang mabuti sa kapwa ko bakit ako nagkaganito, alam kong hindi ako dati ganito, hindi ako ito. .... 

Muli kong babalikan ang tanong sa isang komersyal, Para san ka ba bumabangon?... dati kaya kong sagutin ito, dati alam ko kung anong punto ko, alam ko ang nais ko at agad kong nasasagot ang katanungan ito, pero sa ngayon dito ko na masagot wala akong alam na sagot, natitigilan ako kung bakit nga ba ako nabubuhay sa mundo ito o para san nga ba ang pagbangon ko sa araw-araw. 

Alam kung isang biyaya ang pagbangon sa araw-araw, isang naka gandang pagpapala ang binibigay sa atin kapag muli tayo ay nakakabangon sa kina-umagahan at makakapag umpisa muli ng panibagong araw.  Hindi naman ako nakakalimot tumawag, subalit bakit para ang layo layo ko sa paniniwala ko na lahat ng bagay ay may dahilan dahil lahat ng bagay ay kalooban ng Panginoon sa atin, malayo nga ba ako o pakiramdam ko lamang ito, naniniwala ako na katabi lang natin ang Panginoon, oo alam ko un at lumuluha ako kc alam ko ang bagay na ung subalit bakit nakaka singit sa aking isip ang mga bagay na negatibo patungkol sa aking buhay at ito ang sanhi ng aking kahinaan, at kapag hinayaan ko ito ang bawat araw sa akin ay tiyak kong kahinaan sapagkat ang kahinaan mismo ang niyakap ko. 

itutuloy!

Pananahimik sa Social Media

Tama nga sila, mas mabuting tumahimik sa FB o mas mabuting mag deactivate ako ng aking FB Acct. ang tagal din bago ako nakapag desisyon kung saan lampas na isang dekadang pag-gamit ko nito. Mas minabuti ko ang ganitong desisyon upang makaiwas sa stress sa araw araw na nababasa ko at sa mga nakikita kung mga post na nagdududot sa akin ng hindi magandang emosyon.

Noong una parang ang hirap, dahil ang dami kung mga kaibigan na nakasubaybay sa lahat ng aking mga hugot sa buhay, mga pang araw-araw na gawain, masasayang sandali, malulungkot at minsan galit na sa social media lang nakakapaglabas ng saloobin.

Maaring dito umiikot ang aking mundo, marahil dahil wala naman akong kasama sa bahay at wala akong ibang pinagkakaabalahan, walang maka-usap, as in walang karamay.


cont....




Silang bukod na pinagpala!

Silang bukod na pinagpala ng lahat ng biyaya ay sobrang nakakatuwa, tila ba nalunod na sa kasiyahan dulot ng pagpapala, hindi alintana kung bakit nila nakuha, nawala ng kasaysayan kung anong kanilang kinahitnan. Nawa;y kanilang mapangalagaan ang yaman ng kanilang nakuha upang manatili ito at di na mawawala. kung minsan nalilimutan na kung bakit nabigay ang pagpapala dahil sa kapangyarihan na taglay ng kasalukuyan, isang kahibangan sa iba subalit di mo masisisi kung sa panandaliang sandali kasiyahan ang mamutawi, dahil sa walang katapusang hirap ng karanasan, kaya ninanamnam ang kasalukuyan. Lahat tayo ay pantay pantay sa mundong ibabaw, pantay na mabuhay, pantay na mangarap para sa naisin nating buhay, kung ang papel mo sa mundo ay maging mayaman o maghirap alalahanin mo na parti ka pa rin ng mundong ito. May mga taong di natatanggap kung ano nangyari sa kanila pero patuloy na nakikibaka sa buhay, meron namang mga taong tinanggap na ang kasalukuyan at nagpalamon na sa sistemang ginagalawan, meron namang taong positibo ang pananaw, laban lang laban! May mga pagkakataon na maiisip mo sa aking kasalukyang kalagayan masasabi mo ba na isa akong pinagpala, pinagpala ng maraming pagkakataon, kabiguan, pighati, pag-asa o tagumpay, ngunit san nga ba natatapos ang paglalakbay ng isang tao sa mundo sa pagtigil ba ng hininga, sa pagtigil ba ng pag hakbang pasulong sa isang destinasyon, ito ba ang katapusan o ito palang talaga ang simula.


Sa paglalakbay ng aking kaisipan ay nababanag ko mas maayos na kinabukasan isang malayang damdamin na magbibigay ng kalayaan sa aming malayang kaisipan, ang pagbibigay ng maraming pagkakataon sa atin ay upang bigyan tayo ng maraming oportunidad, oportunidad upang mas mauunawaan at makaya natin ang hinaharap.

Sa kasalukuyan panahon malinaw na hindi ko alam ang pamantayan ko sa kaligayahan at tagumpay, hindi ko halos makita ang pagkakaiba ng paglaban at pagsuko, tila isang pagtigil sa mundo at mawari ko sa aking sarili para san ba at akoy humakbang, para saan nga ba aking laban... para sa kanila, para sa akin, para nga ba kanino.?

itutuloy....

Pananatili sa Kalungkutan

Pasan ko ang mundo, sa problemang dala ko.
Asan na sila nagsabi na handang tumulong sa problema ko.
Nakita nila ang aking kalungkutan at pagluha
Ang pananahimik ko'y nagbigay ng babala
Napagtanto na walang karamay na aking aasahan 
Ang bawat isang sa aki'y nakapaligid,
Taglay ang matang mapaghusga sa pinagdadaanan sa tuwina
Isip koy nalilito sa nais mangyari sa buhay ko
Lakas ng aking paniniwala, kung kakayanin ko pa ba ito
Ilang luha pa kaya ang papatak sa aking mga mata.



Sa aking pag-uwi dala ko pa rin ang kalungkutan,
Ang bigat ng aking kalooban at madaming katanungan. 


Kawalan ng motibasyon na magpatuloy,
Ang kabiguan ang tulungang lumamon sa aking kalakasan 
Lumalakad ang araw na walang patutunguhan,
Utak koy di na kontrolado,
Nagbabadya ng di magandang pangyayari 
Galawang di ko matanto 
Kung makakabuti sa pangkalahatang aspeto. 
Uunahin ko ba ang sarili kong kasiyahan?
Tatalikuran ko na ba ang misyon kung makapaghatid ng pag-asa?
Alam ko ang sigaw ng aking isip at puso, 
Ngunit hanggang kilan ko makakaya ang kasalukuyang pighati!

o mas pipiliin kong manatili sa kalungkutan..........?

Pasasalamat sa Buwan ng Agosto

Salamat sa Buwan ng Agosto, salamat sa pagpapadama ng aking kahalagahan sa iba ....

Nakauwi ako ng Sabado (Agosto 18) ng umaga at nakarating ako sa Lopez ng hapon mga ala-una, sa bahay muna ako nag stay (Danlagan Highway) upang makita ko ang aking Ina, Kapatid at mga pamangkin, para maiabot ko din ang aking munting pasalubong para sa kanila.

Agad kaming nag plano para sa kinabukasan, para sa munting salo-salo at handog para sa may kaarawan sa buwan ng Agosto para sa ilang myembro ng aming pamilya tulad ni Tatay, Hannah. Feonnah, Arjay at Maricel.

Agosto 19, 2018, Araw ng Paggunita sa Kaarawan ng dating Pangulo Manuel Luis Quezon, ang Ama ng wikang pambansa., habang abala ang aking mga pamangkin sa pakikilahok sa taunang programa at pagsama sa  tradisyunal na parada, kaming mga naiwan sa bahay ay abala para ihanda ang munting salo-salo na aking handog para sa kanila.

Mga paboritong pagkaing pambata, ulam, mga palaro, agawan, kantahan, sayawan ang aking inihanda para makabigay ng munting kasiyahan para sa kanila.

Madaming dumating na mga bata bukod sa aking mga pamangkin at kamag anak may mga dumating ding ilang mga kaibigan ng aking magulang at kapatid.

Wala akong paglagyan ng saya, hindi ko alintana ang gastos sa murang halaga nakapagbigay ako ng kasiyahan, kasiyahan na nais kong ibigay at iparanas sa kanila habang sila ay mga bata pa, dahil di ko naranasan lahat ng iyon noong ako ay bata pa, wala akong matandaan sa aking buhay na pinaghanda ako o pinagdiwang nila ang aking kaarawan, pero wala akong lungkot o galit sa kanila, sapagkat nauunawaan ko naman ang aming kalagayan.

Kahit malungkot na hindi dumating ang aking Ama na syang dahilan kung bakit ako naghanda at umuwi okey pa rin sa akin, mahalaga naiparating ko ang pasasalamat at pagmamahal.

Di ko kc alam kung hanggang kailan ako mabubuhay sa mundo kaya sa maliit na pamamaraan ko nais kong makapagbigay ng ala-ala sa kanila na sa buong buhay ko dito sa mundo ay minahal ko sila at pinahalagahan, hindi man nila maramdaraman o di man sapat ang nagawa ko para sa kanila, marahil hanggang doon na lang talaga ang kaya ko, kinakaya ko naman lahat para sa kanila.


itutuloy....



July 2018

Mga kaganapan sa Buwan ng Hulyo 2018

July 20, 21 and 22, 2018 - Bumalik ako sa Lopez, Quezon kasama ang aming bunsong kapatid na si Arkey para ipagdiwang ang kaarawan ng aking kapamilya sa Buwan ng Hulyo 2018 ito ay sina Lolo Apay na 84 Taong Gulang, si Manoy Ayan, Arkey at si Lucky.

Ginanap ang nasabing pagdiriwang sa Blue Dragon Resort sa Bayan ng Guinayangan, Quezon kasama ang buong Pamilya at mga kaibigan nagkasya naman kami sa 2 jeep.

Dito nagkaroon kami ng pagkakataong muling ipadama ang pagmamahal at pasasalamat sa kanila sa munting kasiyahan at salo salo.


Ang aking munting handog kay Lolo Apay.


ang mga anak ni Apay na dumating mula sa kaliwa, Tiyo Eddie, Nanay Minda, Apay, Tiya Nora, Tiya Delia at ang kanyang asawa. 


ang Pamilya ni Tiyo Eddie kasama ang kanyang solong anak na si Lira mula Indang, Cavite 

Ang pamilya ni Tiya Delia Baylon mula sa Lungsod ng San Pablo 



ang pamilya ni Tiya Nora kasama ang mga apo at anak na sina Dabog at JR. 

Ang pamilya ni Nanay Minda kasama ang kanyang mga apo at anak na sina ate Marie, Botog, Arkey at Maricel asawa ni Manoy Dondon



ang pamilya ng punong abala sa ika-84 kaarawan ni Lolo (ako po un)

Ang panganay na anak ni Apay Nanay Minda 


Kasama sa larawan ang mga kaibigan ni Tiya Delia mula sa San Pablo City


JUNE 2018

June 1, 2018, Friday 
-Day 1 Training for GIC
-Expected attendees 23
-Day 1 comply 21 trainees : Safety and Quality Training at Orientation Room, LMSI Office

June 2, 2018, Saturday - 16th Years Anniversary of LMSI 
-Day 2 Training for GIC - 21 Trainees
-Good Manufacturing Practices
- Hazard Analysis and Critical Control Point
-Social Workplace and Accountability - MC Donalds, Starbucks and Nestle
-General Pre-Employment - LMSI
-Watching Kasal at SM Cinema 4 Sta. Rosa with Ms. Wheng and Aiko
Bad News - Arman Navarros (My Friend) Died +
****

June 3, 2018, Sunday
Birthday Ms. Joanne 
-RestDay
-Laba Mode
-Movie Marathon (Sin Island and Infinity War)
-Market
-Grocery at BudgetLane
- Pharmacy

June 4, 2018, Monday 
-Interview and Exam (24 applicants)
- Final Interview for GIC
-Meeting with former Print town employees process for transfer
- Counselling
- Free Lunch from Ms. Joanne
-LIIP Entry Pass Applicationa and Transmittal

June 5, 2018, Tuesday
-Interview and Exam (19 applicants)
- Final Interview for GIC
-Undertime 11:30am
-Lunch at Pavilion Mall with Joel and Ate Gwen
- Going to Trece Martirez , visit Arman Wake with Jaymie, Llanz, Aiko, Tin-Tin, Joel and Gwen
- Starbucks at SM Trece
-Gift from tin2x Guess

June 6, 2018, Wednesday
-Interview and Exam (39 applicants)
- Final Interview for GIC
-Counseling/ BTW Employees
-LIIP Transmittal and Applications
-Pooling Updates
-Renew DOLE License for 2 years

June 7, 2018, Thursday
-Interview and Exam (25 applicants)
- Final Interview for GIC
-Counseling/ BTW Employees
-Final list of Successful applicants for GIC -28
-Training Prep.
-Pooling Updates and Status Report
-Fruits from Mam Dina
-Snacks from Ms. Joanne
-BIR Matters
-201 File, DTR and Attendance Sheet for Training tomorrow

June 8, 2018, Friday
-Day 1 Training for GIC
- Safety and Quality Training
-Total of 25 Attendees

June 9, 2018, Saturday
-Day 2 Training for GIC
- GMP, HACCP, SWA and LMSI Gen. Pre-Employment Orientation
-Total of 23 Attendees for exam on monday at GIC
-Batch Domeng

June 10, 2018, Sunday
-Restday
-Laba Mode
-Movie Marathon
-at SM sta. Rosa Payment for Credit Card (CITI)
-BDO Withrawal Increase Request 25k to 35k until 2026
-Market

June 11, 2018, Monday
-Interview and Exam (21 applicants)
- BIR Matters
-Alabang Law Office Request thru Friend
-Pooling Updates for GIC
-Bank Deposit transfer to DBP (New acct.) updated
-Cut-Off Period

June 12, 2018, TUESDAY
LEGAL HOLIDAY 
120th INDEPENDENCE DAY

June 13, 2018, Wednesday
-Interview and Exam (20 applicants)
- BIR Matters
-LIIP Entry Pass Application and Transmittal
- Pooling Updates

June 14, 2018, Thursday
-Interview and Exam (18 applicants)
-Feet Operations
-LIIP Entry Pass Transmittal and Approval
-Pre-Employement Orientation Program - Cabuyao and Juntec
-Contract Assessment

MAY 2018

May 1, 2018-Tuesday
-LABOR DAY!
-Legal Holiday
-Praying Rosary at Santa Rosa De Lima Church
-Market and Mercury Drug

May 2, 2018-Wednesday
-Interview and Exam ( 22 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Pre-Employment Orientation Program for Team Juntec, LIIPAI and Deca Tech
-Docs for Training
-Text Applicants for Final Interview Tommorow

May 3, 2018-Thursday
-Interview and Exam ( 10 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Docs Prep. for Training
-Counselling
-Confirmation of Training cc: Client (GIC) and Dept. Heads.

May 4, 2018-Friday
-Training for Glades Day 1
- 10 Participants
-Safety and Quality Training

May 5, 2018-Saturday
-Training for Glades Day 2
- 10 participants
-GMP, HACCP, SWA and LMSI Orientation
- Batch matabungkay

May 6, 2018-Sunday
-Mass at SM Cinema 1
-The Feast 2nd Session
-Shopping at SM

May 7, 2018-Monday
-Interview and Exam ( 18 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Counselling

May 8, 2018-Tuesday
-Interview and Exam ( 9 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Counselling GIC Absent
-Meeting at Subcon / Gen. Assembly

May 9, 2018-Wednesday
-Interview and Exam ( 14 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Counselling
-Doc. Prep. for Training

May 10, 2018-Thursday
-Interview and Exam ( 9 Applicants)
-Final Interview for GIC
-BIR Matters
-LIIP Entry Pass Application and Transmittal

May 11, 2018-Friday
-Training for Glades Day 1
- 13 Participants
-Safety and Quality Training

May 12, 2018-Satuday
-Training for Glades Day 2
- 12 Participants
-GMP, HACCP, SWA and LMSI Orientation
- Batch Mudrakels

May 13, 2018-Sunday
-Back to Quezon
-Turbina to Lucena (Jeffney)
-Turbina to Lopez (Van)
-Hair cut at Omar in Lopez
-Pedicure at Esther Salon
-Proceed to Team Villaflores HQ for Candidates Meeting

May 14, 2018-Monday, SPECIAL HOLIDAY 
SK & SB Election 2018
-Vote for 85A No. 140
-Result Monitoring at Incumbent HQ
-Back to LNCHS for Proclamation of the Winning Candidates
-Straight Team Villaflores minus 1 , SK Straight- WINNER

May 15, 2018- Tuesday - ON LEAVE 
-Motorcade/ Pasasalamat
-Proceed to LQCC for Share Capital and Saving Deposit / 20k and 5k
-URBL-5k
- Procession and Sagala 2018 at Danlagan
-Brgy. Patronal Fiesta at Brgy. Danlagan with Guest Speaker Mayor Ubana

May 16, 2018- Wednesday - ON LEAVE 
-Mothers Day Celebration at Calayag Resort, Binutas Hondagua
-with Family and Relatives

May 17, 2018- Thursday - ON LEAVE 
-Going to Gumaca for Arañat Baluarte Festival 2018
-Going to Lucban, Quezon for Pahiyas Festival 2018
-Going to kamay ni Hesus for Once a Year Visitation
-Back to Sta. Rosa City

May 18, 2018- Friday- BACK TO WORK
-Interview and Exam ( 24 Applicants)
-Final Interview for GIC
-LIIP Transmittal and Application
-Text Info. for Applicants / GIC
-Going to S & R with Mam Dina for Grocery and Pizza

May 19, 2018- Saturday
-Final Interview for Glades 25 applicants - with show 6
-Distribution of Medical Referral
-BIR Matters
-Another Text/ call for final interview on Monday 9am
-Received pasalubong from HK from Ate Edna and Ate Bheng Chocolate, Shirt, Shawl and Camera Lens thru ate Gwen

May 20, 2018- Sunday
-Going to CLP - SFC Santa Rosa
-Buy Medicine at Generic Pharmacy
- Going to SM Cinema Santa Rosa for Holy Mass
-Attending the Feast at Cinema 1 Talk 3: Fruit
-Payment Smart Postpaid Plan - 1200
-Shopping at SM Dept. Store last day of Sale

May 21, 2018- Monday
-Interview and Exam ( 25 Applicants)
-Final Interview for GIC
-LIIP Transmittal and Application
-Counselling
-BIR Matters

May 22, 2018- Tuesday
-Interview and Exam ( 20 Applicants)
-Final Interview for GIC
-LIIP Transmittal and Application
-Counselling
-Applicant Call and Text
-Fliers
-OR Now Hiring Put-Up (advertise)

May 23, 2018- Wednesday
-Interview and Exam ( 31 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Counselling
-Pre-Employment Orientation Program - Juntec, LIIPAI, Cabuyao
-Pooling Updates for Glades

May 24, 2018- Thursday
-Interview and Exam ( 23 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Counselling
-2 Days Training Preparation
-201 files finalization and DTR for 29 trainees
-LIIP Entry Pass Application and Transmittal
- Pooling Updates

May 25, 2018- Friday
-Day 1 Safety and Quality Training
-Total of 24 Trainees
-on-call speaker - Aiko
***bad encounter with FM re: Speaker

May 26, 2018- Saturday
-Day 2 GMP, HACCP, SWA and LMSI Pre-Emp Orientation
-Batch Santa Cruzan

May 27, 2018- Sunday
-SFC Laguna Provincial Conference 2018 at Green Resort Nagcarlan, Laguna
-Yellow Green Team - 3rd Place Team Building Activities
-Biggest Delegation
-SFC Heat XIII

May 28, 2018- Monday
-Morning Meeting
- Applicants Interview and Exam (26 Applicants)
-Final Interview for GIC
- Counselling
-Market

May 29, 2018- Tuesday
- Applicants Interview and Exam (31 Applicants)
-Final Interview for GIC & cabuyao
- Counselling
-Pooling Updates
-LIIP Transmittal and Application
-Inform all candidates for final instructions

May 30, 2018- Wednesday
- Applicants Interview and Exam (30 Applicants)
-Final Interview for GIC & cabuyao
- Counselling

-Pooling Updates
- Pre-Employement Orientation for Deca, Izuzu, LIIPAI, Juntec and Cabuyao

May 31, 2018- Thursday
- Applicants Interview and Exam (10 Applicants)
-Final Interview for GIC & cabuyao
- Counselling

-Pooling Updates
- Training Preparation

APRIL 2018

April 1, 2018 - Sunday 
- Easter Sunday
- Mass
-SFC- Christian Life Program : Talk 1 : God's Love




April 2, 2018 - Monday 
-Interview and Examination (12 Applicants)
-Final Interview
-Counseling

April 3, 2018- Tuesday
-Interview and Examination (10 Applicants)
-Final Interview
-Counseling
-Arrival of my mother from Quezon (pick up all Outreach Program materials for distribution)
-Bday Treat of G. Anas
-Graduation Day of Kelly Minto, celebration held at Jolibee Bayan




April 4, 2018- Wednesday
-Interview and Examination (15 Applicants)
-Final Interview
-Counseling
-Pre-Employement Orientation for Subcon Cabuyao
-Updated Pooling and Applicants Report for GIC
-Orientation Preparation
-CW 17400 PGIBG

April 5, 2018-Thursday
-Day 1 ClassRoom Orientation Training for GIC : Safety and Quality Training
-Total of 10 Trainees


April 6, 2018-Friday
-Day 2 ClassRoom Orientation Training for GIC : GMP, HACCP, SWA and LMSI Pre-Employment Training


April 7, 2018-Saturday
-Going to Turumba Pakil, Laguna with Mam Chit, Ms. Wheng , Kayle, Kelly, Dann and Ryan
-Swimming at Turumba Swimming Pool
-Paete, Laguna
-Lumban, Laguna
-Victoria, Laguna- Itlog ni Kuya
-Pagsanjan, Laguna
-Dinner at Isdaan Floating Restaurant Calauan, Laguna












April 8, 2018-Sunday
-Laba Mode
-Prayer at Lolo Uweng ng Santa Rosa
-Jogging at Centenial Park (5pm)

April 9, 2018-Monday
-HOLIDAY (The DAY of VALOR)
-Going to SM Santa Rosa, Credit Card Payment (Citi Bank, 5k)
-Jogging at Centenial Park, 5pm
-Prayer at Lolo Uweng ng Santa Rosa
-Public Market

April 10, 2018- Tuesday
-Interview and Examination (26 Applicants)
-Counselling
-Checking 201 Files for GIC
-Finalized the Orientation Seminar/Checklist for Juntec (my participation-Part1)
-LIIP Entry Pass Application
-BIR Matters (1902)

April 11, 2018- Wednesday
-Interview and Examination (11 Applicants)
-LIIP ID Request Received from JTC , GIC and SPPC
-Text Info. Dissemination for Final Interview for GIC (40 candidates)

April 12, 2018- Thursday
-Interview and Examination (19 Applicants)
-Final Interview for GIC (15 Candidates passed)
-201 files for 15 Trainees (HR & GIC Copy)
-DTR for 15 trainees
-LIIP Entry Pass to Admin.
-Pooling updates for GIC/ Updates
-Public Market
-Generic Pharmacy
-Mercury Drug (Santa Rosa Bayan) ***incident happened inside the drug store around 8pm, reported to the security and Staff

April 13, 2018- Friday
-Interview and Examination (14 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Pre-Employement Orientation Training for 15 newly hired employees (Team Showa, Team Cabuyao)


April 14, 2018- Saturday
-Restday
-Laba Mode
-Jogging and Zumba at Garden Villa

April 15, 2018- Sunday
-Restday
-Holy Mass and Attending The Feast SM Sta. Rosa Cinema 1 Talk 2: Homework
-Payment Credit Card - BDO (7,500.00)
-Hair Cut at One Concept Salon

April 16, 2018- Monday
-Morning Meeting
-Interview and Examination (16 Applicants)
-Final Interview for GIC
-LIIP Entry Pass Application and Transmittal
-Confinement - Nanay in Lopez, Quezon
-Contract Transmittal for GIC newly endorsed employees

April 17, 2018- Tuesday
-Interview and Examination (14 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Manson Driver Final Docs. verification and medical
-Counselling
-BIR Matters
-LIIP Entry Pass to LIIP Admin. Application
-201 files for 4/19-20 trainees

April 18, 2018- Wednesday
-Interview and Examination (13 Applicants)
-Final Interview for GIC
-Pre-Employement Orientation Program for newly hired employees for LIIPAI, Showa and Subcon Cabuyao
-LIIP Entry Pass Transmittal
-Training Preparation for 25 expected employees

April 19, 2018- Thursday
-Day 1 Classroom Orientation Training for Glades (19 Trainees)
-Safety and Quality Training

April 20, 2018- Friday
-Day 2 Classroom Orientation Training for Glades (19 Trainees)
-GMP, HACCP, SWA and LMSI Orientation Training

April 21, 2018- Saturday
-4:00am going to Puerto Gallera
-Land Tour Tamaraw Falls, Virgin Island, Mangrove Conservation
-Night Beach Swimming

April 22, 2018- Sunday
- Puerto Gallera, Mindoro
-Swimming Mode
- 12:30pm back to Laguna
- Emergency at Batangas City / Ms. Wheng

April 23, 2018- Monday
-Interview and Examination (22 Applicants)
-Monitoring Updates for GIC Trainees
- Counselling
-LIIP ID Application
-10th Wedding Anniv. (snacks )

April 24, 2018- Tuesday
-Interview and Examination (11 Applicants)
- Counselling
-Final interview for Glades -9 passed
-Pooling Updates
-Household Prayer Meeting at SFC Room with Bro. Jham, Bro. Melvin, Bro. Troy and Bro. R2
-Dinner/Snacks at Kanluran

April 25, 2018- Wednesday
-Interview and Examination (19 Applicants)
-Pre-Employement Orientation Program for Subcon
-Final Interview for Glades
- Counselling
-Pooling Updates
-Cut-Off Period

April 26, 2018- Thursday
-Interview and Examination (18 Applicants)
-Final Interview
-Training Prep.
-LIIP Entry Pass Application and Transmittal

April 27, 2018- Friday
-Day 1 Classroom Orientation for LMSI-GIC total of 16 trainees out of 23 expected attendees
-Safety and Quality Training with Ms. Aiko

April 28, 2018- Saturday
-Day 2 Classroom Orientation for LMSI-GIC total of 16 trainees out of 23 expected attendees
-GMP, HACCP, SWA and LMSI General Pre-Employment Training with Ms. Aiko

April 29, 2018- Sunday
-Market
-Laba Mode
-Going to SM buy Ink worth of 9k
-Pospaid payment at Smart 1,200.00 billing
-Car Show

April 30, 2018- Monday
LAST DAY OF THE MONTH
-Interview and Examination (11 Applicants)
-Counselling
-LIIP Entry Pass / Application
-Mike salary
-Data base updates for GIC Files
-Transmittal Docs for GIC c/o ate agnes
-Final Exam of 16 Applicants at GIC
-Ms. Rhon -On Leave
-Bonding at Video'ke Bar with Mam Chit
-Winner for Air Supply Concert Ticket


HOLY WEEK 2018

VISITA IGLESIA : Station of the Cross

CITY OF SANTA ROSA, LAGUNA, CITY OF CABUYAO and CALAMBA CITY, LAGUNA
March 29, 2018- THURSDAY

Unang Estasyon: Ang Huling Hapunan ni Hesus
Ikalawang Estasyon: Ang Panalangin sa Getsemani
-Santa Rosa De Lima Parish Church, City of Sta. Rosa
-8:57am



Ikatlong Estasyon : Ang Paghatol ng Kamatayan kay Hesus
Ika-apat na Estasyon : Ang paghampas, pagpuputong ng Koronang Tinik
-Chair of Saint Peter Parish Church, Balibago Santa Rosa, Laguna
-9:25am 




Ika-limang Estasyon : Si Hesus ay nagpasan ng Krus
Ika-anim na Estasyon : Nadapa si Hesus sa Bigat ng Krus
-Saint Francis of Assisi Parish Church Pulo, Cabuyao City
-10:00am




Ika-Pitong Estasyon : Si Hesus ay Tinulungan ni Simon Sireneo
Ika-walong Estasyon :Nasalubong ang mga Babaing Taga Herusalem
-Saint Joseph the Worker Parish Church, Canlubang Calamba City, Laguna
-11:00am





Ikasiyam na Estasyon :Si Hesus ay Pinako sa Krus
Ikasampung Estasyon :Pinatawad ni Hesus ang magnanakaw
-Diocesan Shrine of Mary Help of Christians, Don Bosco College Canlubang, City of Calamba
-11:35am





Ika-11 Estasyon : Sina Maria at Juan sa Paanan ng Krus
Ika-12 Estasyon : Si Hesus ay Namatay sa Krus
-Mary Help of Christians Parish Church, Brgy. Mayapa City of Calamba
-12:05pm




Ika-13 Estasyon : Ang Paglilibing kay Hesus
Ika-14 Estasyon Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus
-Saint John the Baptist Parish, City of Calamba, Laguna
-12:53pm






MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...