BADYA!

BADYA!
Harrel M. Paycana



Ikaw  ang dahilan ng aming panlalamig,
Ngunit minsan ay sanhi din ng pag-iinit.
Ayan ka na naman sadyang nanunukso,
Ng iyong pagdating at sadyaing yumakap sa amin.

Minsan nalulumbay aming pusong tigang,
Ngunit karamihan din naman galak ang nararamdaman.
Ewan ko ba kung bakit ikaw pa!
Naging instrumento ng kalituhan ng iba.

Alam ng lahat na bahagi ka namin,
sana lang wag mo kaming biglain.
Naway pakinggan mo din ang aming daing,
Na sa tuwing darating ka may pangamba sa amin.

Sanay na rin kami makipamuhay sa’yo,
Subalit masdan mo ang tagapaghintay sa’yo.
Di makaahon sa hirap na dulot mo,
At masdan mo ang iba nagagalak sa’yo,
Marahil dahil sa biyayang dulot mo.

Ikaw na nga kasama ng kulog,kidlat at hangin,
Ulan na nagiging bagyo sa puso namin.
Iniiwasan at iniintay ng sambayann,

Para sa maraming kadahilanan na ikaw mismo ang nakakaalam.

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...