DAGHANG Salamat, DAVAO!

DAGHANG Salamat, DAVAO!

Pitong kabataang iskolar ng bayan
Kabilang ang limang YPS’ians,
Pinalad na makarating sa Davao,
Mga iskolar na may pangarap sa sarili’t bayan.
Ang layuning makabuluhan nabigyan ng katuparan
Dahil sa patnubay ng Maykapal at tulong ng kaibigan.

Minsan sa aming buhay, nakarating kami sa Mindanao
Kagandahan ng Davao aming napagmasda.
Taliwas sa inaakala kong magulong bayan
Bagkus, kasaganaan at kapayapaan ang naramdaman.

Sa loob ng pitong araw, ang pitong kabataan
Tinuruang makipamuhay sa ibat-ibang mamamayan.
Pananampalataya sa Diyos, pag-ibig sa kapwa,
Naging instrumento ng pagdiriwang na naging matagumpay.

Pambansang araw ng kabataan sa Longsud ng Davao
Di mapapantayan ang saya at karanasan
Sa dami ng bagong kakilala’t kaibigan
Na naging bahagi ng aming buhay.

Pasasalamat ang binabalik namin sayo
Sa pagbibigay sa amin ng pamilyang tulad mo.
Sa aming pamilya at kaibigan diyan sa Davao
Daghang salamat sa inyong pagkupkop at gabay.

Hanggang sa muli nating pagkikita,
Ipagpapatuloy natin ang nasimulang saya
Kasama ang lugar mo na tila isang paraiso sa ganda
Sa bawat isa kasaganan at kapayapaan ang nadarama.


No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...