Paalam Ate Badeth Oblinada ...


Ngayong nasa piling ka na ni Lolo Uweng baunin mo ang aming pagmamahal at panalangin.....isang magandang alaala at karanasan ang makilala ang isang tulad mo mabuting Anak, Ina at kapwa sa amin.... sa tuwing aakyat ako sa Dambana ni Lolo Uweng hindi pwedeng hindi tayo mag kukumustahan at kunting kwentuhan tungkol sa buhay-buhay at palagi mo akong binibigyan ng sampaguita galing kay Lolo Uweng... Taon-taon binibigyan mo ako ng bulak at piraso ng damit ni Lolo Uweng na aking iniingatan at ibinibigay ko din sa iba kc ang dami..... Di ko malilimutan yung nagkasama tayo sa Luneta para sa isang Holy Mass na isasagawa ni Pope Francis ... hating gabi o madaling araw tayong sama-samang lumuwas para makiisa sa Mass at makita ang Santo Papa kahit maulan tuloy lang sa pagdasal hanggang sa mag uwian sabay pa rin tayo sa bus papuntang landayan kahit ung ilan nating kasamahan sa atin ay nahiwalay pero tayo magkasama mula pagpunta at uwian....at doon lalo tayo nagkakilala, simula non naging maganda na ang ating pagkakaibigan hanggang inaya mo akong kumanta kay Lolo Uweng at makabilang sa Mary and Joseph Choir ng Landayan at doon lalo akong napalapit kay Lolo Uweng... isang magandang ala-ala at hindi ko un malilimutan ... Paalam Ate Badeth Oblinada  Salamat sa lahat ng iyong pagmamahal hanggang sa muling pagkikita natin kasama si Lolo Uweng muli tayong magkukwentuhan ... Salamat sa lahat-lahat at Paalam.. Mahal na Mahal ka namin   







https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10213516490929467&set=a.1153081590033.22697.1317477291&type=3&theater

No comments:

Post a Comment

MARCH 2021

March 1, 2021 - Monday  Morning Meeting  Email Checking and Printing of Applicants Resume  Face-To-Face and Phone Call interview  Examinatio...