Photo (c) CNN
photo (c) Liberal Party of the Phils.
Magkahalong galit at pagkadismaya ang aking naramdaman sa 112 na kinatawan ng kongreso na pumabor sa isang libong piso na pondo, napaluha ako sapagkat isang libo lang pala ang halaga upang mapangalagaan ang karapatan natin laban sa mapang alipin at mapagsamantalang mga tao sa gobyerno.
Dito mo makikita kung gaano kadumi ang pulitika sa ating bansa, kasama ang ating inihalal at binigyan ng mandato upang paglingkuran ang bayan at mamamayan. Tila bumabalik tayo sa isang digmaan kung saan maraming kapwa Pilipino ang maapektuhan, dahil dito hindi natin namamalayan na nasa kamay na muli tayo ng isang diktador na nagbibigay ng pangamba sa ating demokrasya.
Sino ba ang dapat paglingkuran ng ating mga inihalal? di ba ang bayan at tayong mga mamamayan? bakit ganun parang iba ang gusto nilang mangyari sa Inang bayan. kabi-kabila ang patayan walang habas na pagkitil ng buhay mga walang kamalay malay na sibilyan, mga kabataan na biktima ng maling proseso ng batas, nagiging isang collateral damage ang maraming maliliit at walang kalaban-laban natin mga kababayan alinsunod ito sa kampanya ng kasalukuyang administrasyon, subalit tingnan at suruin natin lung sino ang nagiging biktima nito di ba ang maliliit at kapwa natin pobre na biktima ng kahirapan habang ang mamalaking tao o mayayaman ay tila kanilang pinoprotektahan at nagpapasasa lamang sa kapangyarihan ng salapi at ang tayong mga ordinaryong mamamayan ang nagagamit sa kanilang pansariling interes.
Ilan pa?, Sino pa? at kailan ba matatapos ang kaguluhang ito, parang wala nang katapusan anim na taon, anim na taon tayong magdudusa sa mapang alipin nilang ginagawa sa bayan, na ang tanging pag-asa na lang ang ang mabubuting mga halal ng bayan na naninindigan sa ating demokrasya at karapatan. Tulad ng CHR subalit ano ang ginagawa nila gusto nilang mawala o ma-abolish ang ahensyang ito para wala nang pupuna sa maling gawaan nila. Sino pa ang mangangalaga sa atin, sino pa ang tunay na magtatangol sa atin. May pag-asa pa ba tayo. ?
kasunod nito ang panawagan ng ilang grupo at mga indibidwal na nagpakita ng pagkabahala sa kasalukuyang sistema ang ilang mga Senador ay nagpakita ng paninindigan upang mabigyan ng sapat na pondo ang CHR na nagpahayag na suporta na haharangin nila sa mataas na kapulungan ang pinasa sa mababang kapulungan o kongreso. Subalit may ilan ding mga nasa Senado ang tila bulag, pipi at bingi at tila hindi taong bayan ang kanilang pinangangalagaan, ika nga ng ilan hindi pa tapos ang laban nakakakita pa tayo ng liwanag upang hindi matuloy ang naka ambang pagbuwag sa isang ahensya na binigyan ng mandato ng batas ng Republika ng Pilipinas at mamamayan nito.
Sumisigaw ako ng isang panawagan sa lahat ng mga Pilipino saan man sulok ng mundo, wag nating kalimutan at ating pakatandaan ang mga kinatawan sa Kongreso at Senado na nagbibigay o magbibigay ng pahintulot na tanggalin ang ahensya ng CHR sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng tamang pondo para dito. Sa totoo lang hindi lang ito usapain ng pondo kundi isa itong malalim na usapin na ang nakasalalay ay tayong lahat at kung saan ba patutungo ang bansa natin kung saan ba tayong dadalhin ng mga taong binigyan natin ng mandato na dapat sya ang mangangalaga sa atin subalit sila pa pala ang magtataksil sa ating lahat.
Napapailing ako sa tuwing umuuwi ako ng bahay at manonood ng TV, kahit nagiisa ako di ko na alam kung matatawa ako sa kondisyon ni Speaker Alvarez ayon sa kanya magbibigay sila ng pondo kung magbibitiw bilang Chairman si Atty. Gascon aba talagang matindi ito, buwis ng mga Pilipino ang nagpapsahod sa inyo at buwis namin ang nagbibigay buhay sa pamalaang ito, kami ang nagbibigay ng pondo sa inyo kaya wag ninyong babaliwalain ang tinig at damdamin namin ukol sa usaping ito.
Pauli-ulit kong kinokondena ang ginawa ninyong desisyon kasabay ang aming panalangin na mawalang saysay ang boto ninyo at mamayani ang patas at karapat-dapat na laang pondo para sa ahensyang nakikipaglaban para sa aming karapatan laban sa mapang-abuso na katulad ninyong nasa pwesto. Muli kaming sisigaw para sa pagbabago at pagkakaisa hindi na dapat pang payagang muli ang nangyaring dilim noon sa ating bayan. Huwag nating pabayaan sakupin tayo ng dilim at tanggalin ang liwanag na tumatanglaw sa atin bilang isang bansa at isang Pilipino. Maging mas mapanuri tayo maging mas mapagmatyag upang labanan ang anumang nakaambang na panganib ating pagiging isang MALAYA AT MAY KARAPATANG PILIPINO!
No comments:
Post a Comment