ALIPATO
Harrel M. Paycana
Editor-In-Chief
YPS Founder
KABATAANG
Pinoy?!
Marahil kapag sinabi natin ang katagang
“ kabataan ang pag-asa ng bayan” ni Dr. Jose Rizal, kahit mismo sa ating mga
sarili ay nagiging isang malaking katanungan ang salitang iyan. Sa makabagong
panahon, malaki ang porsyento ng sektor ng kabataan sa Pilipinas. Subalit
masasabi ba natin na ang malaking porsyentong ito ang Pag-asa ng Bayan sa
kasalukuyan?
Sa kabila ng nararanasan ng mga
kabataan, marami na ang bilang ng walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang
kinabibilangang sektor at lipunan. Patuloy ang pagdami ng di nakakapag-aral,
walang trabaho at nagiging biktima ng ibat-ibang karahasan. Nakakalungkot
isipin na nagyayari ito sa atin.
Maraming batas ang nagawa at ginagawa para
sa kabataan. Pinagmamalaki ng ilan nating nasa pwesto at pumapasok sa pulitika
ang kanilang proyekto at programang pabor sa ating sektor, subalit nasaan?
Meron nga ba? Naramdaman ba natin ang implementasyon ng programa?
Sa kasalukuyang kalagayan natin nasaan
ang sinasaad sa batas na “the state
recognizes the vital role of the youth in the nation building and shall promote
and protect their physical, spiritual, intellectual and social well-being” Art.
II Sec. 13. Malinaw ang nakasaad sa
batas, pero naramdaman mo ba na may proteksyon ka pala? Sa mungkahi ng Constitutional Commission (ConCom) at
marahil sa utos na rin ng nasa kasalukuyang pamahalaan na ang nasabing batas
1987 Art.II ay tuluyan nang ibasura
at palitan ng may pansarilimng interes para sa edukasyon at karapatan nating
mga kabataan.
Pagmasdan mo
ang mga kapwa natin kabataang sumasama sa mga Rally na ang layunin ay makiisa sa malawakang panawagan ng
pagbabago sa bulok na sistemang umiiral sa kasalukuyan. Sila mismo ay nagiging
biktima ng mga pananakit at di pantay na pagtrato tulad halimbawa ng maling
hakbang sa dispersal sa rally at bansagan kang terorista o
kumunista.
Nakakatuwang isipin sa kabila ng lahat
na may batas na nagbibigay ng proteksyon dito sa ilalim ng Art. III Sec. 14 nakasaad dito “no
law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the
press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the
government for redress of grievances” mali bang manawagan ka? Ang
maliliit na tinig pag pinagsama-sama ay nagiging parang isang kidlat na naririnig
ng sambayanan. Tulad ng libo-libong tinig na pinag-isa ng mga kabataan upang
marinig ang kanilang hinaing. Subalit ang kakarampot na kalayaan at karapatan
ay pilit pa ring inaagaw at ipinakakait ng makasariling nasa katungkulan.
Samakatuwid,
balewala na ang Art. II Sec. 23 “the
state shall encourage non-governmental, community based or sectoral
organization that promote the wefare of the nation” para saan ba ang
kanilang ginagawa? Di ba para sa bayan? Dahil ang bumubuo ng bayan ay ang
malaking bilang ng mamamayan hindi ng iilan lang. sino ba ang may malaking
naitulong para sa bayan, diba tayo na nasa sektor ng mga kabataan? Malaki ang
ginampanan nating papel para sa pagbabago ng bulok na sistema at maduming
pamahalaan. Maraming dapat itama tayo ang susunod na henerasyon, huwag nating
hayaan na mawalan ng saysay ang ating pinaglalaban.
Imulat
natin ang kapwa natin, imulat sila sa tamang landas at sa reyalidad,
sama-samang kumilos kaya nating magtagumpay upang di mawala ang sektor ng
kabataan na siyang magtatangol at magbabantay sa ating karapatan at kalayaan.
Marami nang batas, gamitin natin ito sa tamang pamamaraan at sa interes ng mas nakararami . Pagod na
tayong magpasakop sa mga taong may pansariling interes , huwag tayong
magpakasira sa maling pananaw sa buhay. Simulan natin ang pagbabago sa ating
mga sarili. Isulong at ipaglaban ang kapakanan ng mga kabataan tungo sa
pag-unlad ng lipunan para sa tunay na pag-asa ng bayan.l mabuhay KABATAANG
Pinoy!.
No comments:
Post a Comment